Chapter 29

261 27 2
                                    

I'm pregnant... I'm really pregnant!

Halos mapatalon ako sa nakita kong resulta ngunit pinigilan ko dahil mayroon baby sa sinapupunan ko.

Kahit hindi pa masiyadong umbok ito ay napakasaya ko lalong lalo't na si Hercules ama ng dinadala ko.

Kaagad kong tinapon ang karton ng pt at kinuha ang pregnancy test para itago iyon. Ipapakita ko ito kay Hercules para malaman niya.

Siguro magiging masaya siya kapag nalaman niya ito?

Bahagyang akong natigilan ako ng maisip ko kung anong mangyayari kapag nalaman niya ito.

Paano kung hindi niya tanggapin itong dinadala ko? Paano kung makapaghiwalay siya sa akin dahil buntis ako? Eto ang ayaw kong mangyari, natatakot ako.

Imbes na isipin iyon ay pinili ko na lang isipin ang anak kong nasa tyan ko.

Kaya ba sumasakit ang ulo ko at nagsusuka dahil buntis pala ako. Hindi mapawi ang ngiti sa aking labi habang pauwi.

Sa condo niya muli akong nagtungo. I texted papa na hindi ako makakauwi sa bahay. He immediately replied.

Papa:

Maaga kang umuwi bukas, anak. May supresa ako sa'yo.

Ano naman kaya ang surprise sa akin ni Tatay? Napabuntong hininga na lang ako at akma kong ibabalik ang phone ko nang muling mag-ring ito.

I saw Caitlin's name. I immediately answered it. Ang pagtangis ang una kong narinig nang sagutin ko ang tawag niya. Napakunoot ang aking noo.

May nangyari ba kaya siya umiiyak?

"Caitlin, anong nangyari? May problema ba?" tanong ko na may tunog na pag-aalala sa kaibigan.

"Tali, puwede mo ba akong puntahan?" aniya sa gitna ng kaniyang pag-iyak. Mabilis na pumayag ako sa kaniyang sinabi at tinanong kung nasaan siya.

Nang sabihin niya iyon ay mabilis na nagtungo ako sa apartment niya. Simula nang grumaduate kami ay nag-decide si Caitlin na maghanap na rin ng apartment para wala na itong sagabal sa kaniya.

Kaagad kong binayaran ang tricyle driver nang makarating ako sa harap ng apartment ni Caitlin.

Kumatok ako ng dalawang beses ngunit walang nagbukas kay nagkusa na lang akong buksan, tutal ay hindi naman naka-lock.

Pumasok ako ng walang pasabi roon. Inaasahan niya naman akong dadating. I looked around until I saw her, sitting alone while crying.

Lumapit ako sa kaniya para aluin siya. I don't know what happened to her. Madalas kasing hindi na kami magkita dahil busy rin sa kaniya kaniyang buhay.

"What happened? May problema ba?" I asked while hugging her.

"We just broke up, Talitha. Ang sakit sakit," aniya at tuluyan ng napahagulgol.

Si Aaron ba ang tinutukoy niya?

"He cheated on me, Tali. Niloko niya ako and then he broke up with me."

Tanging pag alo lang ang ginawa ko dahil hindi ko alam kung sino ang lalaki ang niloko siya. Hindi ko rin alam na mayroon siyang karelasyon.

Ang buong akala ko ay si Aaron ang nobyo nito dahil sila ang magkasama araw-araw. Pero iba pala ang nobyo nito.

May alam din ba rito si Aaron? Bakit wala man lang silang sinasabi ko. Feeling ko tuloy hindi nila ako kaibigan dahil sa tinatago nila ang sekreto nila sa akin.

"Shh... Don't cry... I'm here, Caitlin. If you are ready to tell, I'm here," pagtatahan ko sa kaniya.

"I-It's hurt. T-Tali, Alam ko naman na playboy siya, e. Pero hindi ko maiwasan na umasa na baka one day he will changed but I was wrong. Playboy is always a playboy," aniya sa nanginginig na boses.

Babysitting My Billionaire Ex-HusbandWhere stories live. Discover now