Chapter 20

511 34 7
                                    

Warning: Trigger

Palaisipan pa rin sa akin kung anong pinag-uusapan nila Hercules. Gusto kong malaman kung anong tinatago niya pero hindi ko alam kung paano ko malalaman iyon.
Dalawang linggo kaming nasa barko bago dumaong ito sa pier. Ngayon ay pauwi na kami patungo sa mansion at hindi ko alam kung anong nag-aabang saamin ni Hercules.

Sinulit ko ang dalawang linggo kasama ko siya kahit sa isip ko ay may gumagabag sa akin na hindi ko malaman ang dahilan.

Pagpasok pa lang namin ng mansion ay nakita ko na ang limang magagarang kotse na nasa harapan ng pinto.

Pamilyar ang mga kotseng iyon sa akin dahil minsan ko na iyong nakita rito. Nanlalamig ang aking kamay habang pababa sa sasakyan.

Nauna akong bumaba at hinayaan siya ang mag-park ng sasakyan niya. Nasa hamba pa lang ako ng pinto ay rinig na rinig ko na ang boses ni Ylona.

"Did you find them?"

"Find them as soon as possible! Hindi ko hahayaang magkasama silang dalawa lang!"

Napakuyom ako sa aking dahil sa sinabi niya. Hindi mo hahayaang makasama niya ako pero nilapitan mo ako para alagaan ko ang anak niya?

Pagpasok ko pa lang sa living room ay kaagad siyang napatingin sa akin. Isang masamang tingin kaagad ang binigay niyang tingin sa akin nang makita ako. Mabilis ang kaniyang mga hakbang patungo sa akin kaya bahagyang napahakbang ako.

Magkabilang sampal ang kaniyang binigay sa akin. Hindi ko magawang umiwas sa kaniya tila natulos ako sa aking kinakatayuan.

Ramdam ko ang galit niya habang sinasampal ako.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Talitha. Isa ka pa ring ahas na landi nang landi sa anak ko. I already told you, don't flirt with him. You will just taking care of him! Kahit anong gawin mong panlalandi sa anak ko. I will never like you to my son!"

Parang pinagbagsakan ako ng lupa dahil sa katagang mga sinasabi niya sa akin. Nanlalamig ang aking kamay habang nanginginig ang aking mga labi. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Hiyang-hiya ako para sa sarili ko. Pumayag akong alagaan siya pero hindi sa ganitong paraan ang gusto kong mangyari na masasaktan muli ako.

Hindi ko magawang makagsalita. Patuloy na naglalandas ang mga luha sa aking pisngi.

"Mom, Stop it!" Namilog ang aking mga mata habang si Ylona ay napatigil sa pagsampal sa akin nang marinig ko ang baritonong boses ni Hercules na nasa likuran ko. Rinig ko ang mabibigat na yabag niya patungo sa amin

Nang makalapit ito sa amin kaagad ako nito hinila palayo sa kaniyang ina at pinulupot ang braso sa aking baywang.

"Why did you slap my wife, Mom?" he asked

Bahagyang napaatras si Ylona dahil bahagyang pagsigaw ni Hercules sa kaniyang ina. Kahit ako ay napaatras din ako sa pagsigaw niya kaya bahagyang lumuwag ang pagpulupot nito sa baywang.

Hindi ko ito inaasahan na makikita niya kami sa ganoong sitwasyon na halos kulang na lang ay ihiga ako ng kaniyang ina sa sahig para lang masampal lang ako.

Alam kong namumula na ngayon ang aking mga pisngi dahil sa malalakas na pagsasampal ni Ylona. Gusto kong manlaban pero tila wala akong lakas na lumaban para lang pigilan siya.

Parang dati lang. Parang bumalik ako sa dating ako na hindi kayang lumaban at hinahayaan lang hanggang sa magsawa.

I still remember when she know that I'm pregnant with his son and i still remember how she hurt me when Hercules always away.

"I'm going to be father, Mom!" Hercules said.

We are here today at their mansion to tell them that I am pregnant. Kinakabahan ako sa kung anong magiging reaksyon ng nanay niya.

Babysitting My Billionaire Ex-HusbandWhere stories live. Discover now