Chapter 35

148 4 0
                                    

Maaga kaming umalis sa bahay. Dahil ang sabi ni Hercules ay may pupuntahan kami at wala akong ideya kahit isa.

I already asked his friend or what. Pero hindi rin nito alam ang plano ngayong araw ni Hercules. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.

Paulit ulit kong tinatanong siya ngunit tanging ngiti lang sinusukli niya sa akin. Kaya buong byahe ay nakasimangot aking mukha ko.

He tried to talk to me but I didn't respond. Naiinis ako, ayaw niyang sabihin saan kami pupunta.

Ilang oras ang naging byahe namin hanggang sa nakarating kami... sa airport. Hindi ko alam kung saan eksakto kaming pupunta dahil hindi naman sumasagot ng maayos si Hercules.

Sinubukan nitong hawakan ang kamay ko ngunit lumayo ako sa kaniya para iwasan ito. Sabay kaming naglakad patungo sa loob ng Airport, hindi kami magkahawak kamay at tanging normal na naglalakad lang sa daan.

Manigas siya. Kung iyan ang gusto niya, gagawin ko rin ginagawa niya sa akin. Lintek siya!

"Hey, Talk to me!" he said calmly

Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi at tuloy-tuloy ang aking paglalakad. Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga niya tila pinipigilan ang sarili. Sa huli ay sinabayan na ako nito sa paglalakad at nanahimik na lang.

Nalaman ko na lang kung saan kami tutungo ng makita ko ang plane ticket namin patungo sa Siquijor. Hindi ko alam kung ano ang trip ni Hercules at dito niya ako gustong dalhin.

Pwede naman kami mag tagaytay na lang dahil marami namang pasyalan doon at malapit lang sa Cavite. Hindi niya na kailangan gumastos ng malaki para rito.

Halos anim na oras ang naging byahe bago lumapag ang eroplano sa Airport ng Siquijor. Siquijor is formerly called Isla De Fuego. I remembered Tatay said this to me. They also called this place "Island of Fire"

Naalala ko rin dati na sinabi sa akin na dating naninirahan ang pamilya ni Tatay sa Siquijor.

"Talitha, how long will you not talk to me?" I heard him said that but I Ignored him.

Manigas siya. Naiinis pa rin ako sa kaniya pero mas lalong lumalamang nami-miss ko siya. Lalong lalo na ang amoy niya na siyang nakakapagpahinahon sa'kin.

"Fine... I'm sorry, Baby. I just wanted to surprise you because this is our first trip and also if I tell you this. I'm sure you will not agree to have this vacation," he said, desperately. Desperado na siyang kausapin ko siya.

Huminahon ako at napabuntong hininga. Ngumuso ako at tumigil sa paglalakad. Lumingon ako sa kaniya, nakatingin siya sa akin. Hindi inaalis, hinihintay ang aking gagawin. Mas lalong humaba ang aking nguso at hinihintay siyang lumapit sa akin.

Napakamot siya sa kaniyang batok at saka marahang naglakad sa akin. He Immediately pulled me closer to him and hugged me tightly.

"I'm sorry," I whispered.

He just kissed my forehead and my hair. Hawak niya na ngayon ang aking kamay at sabay na ngayon na naglalakad. Mahinahon na ang kaniyang mukha at hindi na salubong ang kilay, hindi katulad kanina.

Pagkatapos naming mag-check in sa hotel. Hercules and I decide na mamasyal. He suggest first that we should eat first. Sa Thornton's Sea View Cafe kami unang nagtungo ni Hercules.

Maraming tao ang naroon pagkarating namin. Naghanap kami ng table. Ngumiti ako sa kaniya nang ipaghila ako nito ng upuan.

May lumapit kaagad sa aming waiter at binigyan kami ng Menu. Napatango ako habang nakatingin sa Menu. Ang mamahal naman dito. Napatingin ako kay Hercules ako nang magsalita at sinabi ang kaniyang mga order.

Babysitting My Billionaire Ex-HusbandHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin