CHAPTER 1

34.1K 644 412
                                    

Maia Rae Ashford Pov

Party! Party! Nandito kami ng mga kaibigan ko ngayon sa isang sikat na bar kung saan pumupunta ang mga taong uhaw sa alak.

Wala eh laking squatter ako nilibre nga lang ako ng mga kaibigan ko na mayaman, sarap jowain sanaol mayaman diba.

Hayst mahirap talaga kapag isa kang slapsoil tamang dikit ka lang sa mga kaibigan mo na may kaya sa buhay.

Oo nga pala bago mag simula ang aking kwento ipapakilala ko muna ang aking sarili. Ako nga pala si Maia Rae Ashford 20 years old, isa lang akong dukha tamang tambay lang sa kalye pero maswerte ako, dahil natanggap ako sa school na pinapasukan ko bilang isang scholarship sa CU (Cansino University).

Mayayaman mga nag aaral jan isa na ang mga kaibigan ko na, nakilala ko lang last two months ago.

Tinulungan ko kase sila no'ng naligaw sila dito sa baranggay namin, kaya ayun sabi nila bilang kapalit kahit ano daw gusto ko ibibigay nila.

Balak ko sana bahay sabi kase nila kahit ano daw, pero syempre may hiya pa naman ako sa sarili ko iba nalang hiningi ko.

Hulaan niyo kung ano. Ano sirit na kayo edi tuition fee sa isang sikat na school na CU.

Pangarap ko kase mag aral dun sabi nila maganda daw dun tapos maraming chicka babe, de joke lang magagaling daw mag turo mga teacher do'n kaya do'n ko gusto mag aral.

Ang bait nga nung may ari sabi nila scholarship nalang daw nung mag babayad na sana yung dalawa ng tuition fee ko.

Syempre pumayag na ako blessings yun eh sasayangin ko pa ba.

Ayaw ko rin naman mag mukhang pera sa mga kaibigan ko, kaya tinanggihan ko nalang yung tuition fee na ibibigay sana nila sakin.

Sa katunayan nga bukas na start ng first day of school namin niyaya lang nila ako, mukhang may problema yung isang kaibigan ko eh.

Broken siguro yun kaya nag aya ng inuman.

Akala ko nga yung inuman sa tabing kalsada yun pala mga mare sa bar.

Oh diba yayamanin syempre ako minsan lang makaka tikim ng mamahaling alak, kaya pumayag na ako sayang din yun alak na alak na ako.

May secreto ako wag niyo sasabihin ha?

Isa akong intersex kung saan dalawa ang gender ko meron akong p*nis ng lalaki.

Bihira lang daw ang may ganon sabi sakin nung lola ko na nag aalaga sa'kin.

Tinanong ko rin lola ko kung makaka buntis ba ako sabi pwede daw ako maka buntis, pero syempre hindi ko gagawin yun mamaya patayin pa ako ng lola ko.

Kawawa naman ako sa gandang gwapo kong ito mamatay lang ng maaga dahil naka buntis.

Staka kung may bubuntisin ako yung babaeng mamahalin ko syempre, alangan naman ikaw diba eh fiction character lang naman ako.

By the way nandito ako ngayon sa counter binabantayan itong si gillian.

Kanina pa kase nag lalasing eh may problema siguro siya or broken.

Syempre ayaw ko naman tanungin pa mag mumukha akong marites niyan.

Yung isa naman ewan ko nasaan na yun kanina pa wala yun, sabi mag c-cr lang daw pero hindi na bumalik.

Uminom nalang ako ng alak hinayaan ko nalang itong si gillian na uminom din, hindi naman nag sasalita yan eh minsan lang.

Tahimik kase siya shy ata hehe.

Habang nag papatuloy lang kami sa pag inom, bigla naman tumayo si gill kaya tinignan ko siya.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon