CHAPTER 32

13.2K 303 30
                                    

Papunta ako ngayon sa cr dahil kanina pa talaga ako na iihi, puputok na itong pantog ko.

Nasa canteen kase ako breaktime namin ngayon hindi ko kasabay si Eloise, dahil may meeting ang mga teacher.

Meron kaming camping bago mag second sem, para ma refresh naman daw ang utak namin

Pumasok ako agad sa pinaka dulong cubicle.

Nang maibaba ko na ang jogging pants at boxer ko ay agad akong umihi.

Pag tapos ko umihi ay lumabas na agad ako ng cubicle. Nagulat naman ako, dahil si Cheska nandito.

Ano nanaman kaya kailangan nito dahil kanina pa ako nito kinukulit.

Nag hugas ako ng kamay ko habang si Cheska, nasa likod ko nakikita ko sa salamin naka tingin siya sa akin.

"Akala ko ba sabay tayo mag lunch break kahapon?" Tanong niya sa akin.

"Kasama ng kuya mo 'yung girlfriend ko, alangan naman hayaan ko lang mag date sila tsaka bakit sinabi mong date nating dalawa 'yun. Hindi ba inaya mo ako sabay tayo mag breaktime wala naman ako na banggit, mag d-date tayong dalawa."

Sa totoo lang naiinis ako sa kaniya. Kung pwede lang manakal, ginawa ko na sa kaniya at sa kuya niyang pugo.

"Bakit hindi na ba date 'yun? 'yung kakain sa labas?" Tanong niya sa akin.

Hindi ba porket kakain kami sa labas date na tawag doon? Meron nga mga mag bestfriend, kumakain sa labas eh pero hindi date tawag doon.

"Date ba tawag doon ang sabi mo sabay lang tayo, mag b-break time." Nakita ko siyang napa irap, tusukin ko kaya mata nito.

"Layuan mo na si Prof Lazano." Seryosong sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"At bakit naman?" Nakita ko siyang ngumisi.

"Because ikakasal na sila ni kuya at alam na din ng parents ni prof, na may relasyon kayo. Sa tingin mo ba papayag ang parents niya na makipag relasyon sa kapwa niya at ikakasal na ang anak nila?"

"Wala akong pake kung malaman nila at isa pa sila lang nag plano na ikasal sila. Hindi ba hiwalay na sila ng kuya mo dahil manloloko 'yang kuya mo." Nakita ko siyang sumama ang tingin.

"Hindi manloloko ang kuya ko, sadyang mga babae lang ang lumalapit sa kaniya." Wow talaga ba?

"Manloloko pa din siya kase pinatulan niya hindi ko din naman hahayaan, na mapunta ulit si Eloise, sa kuya mo. Gagawin ko lahat para hindi lang siya maagaw."

Pag lalaban ko si Eloise, kahit kanino pa iyan. Kahit pa sa magulang niya. Alam kong ipag lalaban din niya ang pag iibigan namin.

Lumapit siya sa akin kaya napa atras ako.

"Tignan natin sa ngayon mag enjoy muna kayo, dahil sa susunod iiyak kang luhaan. At sa akin ka ma pupunta." Kinalibutan ako sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"Hindi pa ba obvious or sadyang manhid ka lang. I like you, Maia simula nung makita pa lang kita. I know play girl ako pero tinigil ko 'yun dahil sa iyo. Gusto kong mag bago para hindi ka ma turn off sa akin, pero huli na pala dahil may relasyon kayo ni Prof Lazano, kaya mag enjoy muna kayo. Dahil kay kuya lang ang bagsak ni Prof Lazano at ikaw sa akin lang ang bagsak mo."

Mahabang paliwanag niya. Baliw na siya, parehas sila ng kuya niyang babaero.

"Pwes hindi mangyayari lahat ng sinabi mo, sisiguraduhin kong hindi mapupunta si Eloise, sa kuya mo. At hindi ako mapupunta sa kagaya mo. Alam mo pinag tanggol pa kita kila Ash, pero totoo pala talaga sinasabi nila." Umalis na ako dahil ayaw kong magkasama pa kami.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Where stories live. Discover now