CHAPTER 44

14.2K 356 55
                                    

Tatlong araw na ang naka lipas mula nung nag usap kami, pero ito palaisipan pa din ang pinag usapan namin ni Eloise at ginugulo niya ako sa restaurant ko.

Akala nga nila Aling Aida nagkabalikan kami ni Eloise.

Nandito ako ngayon sa office ko dahil chinecheck ko 'yung parating na order ko.

Habang nag checheck ay may pumasok naman sa office ko at alam ko kung sino 'yun.

"Hi love, good morning this is your food. Luto ko 'yan and I know favorite mo 'yan." Lumapit naman siya at hinawakan ang balikat ko.

Hinayaan ko lang siya dahil alam ko hindi titigil 'yan.

Umupo naman siya sa kandungan ko kaya hinayaan ko lang ulit, nasanay na ako sa tatlong araw na ginugulo niya ako nasanay na ako naka upo siya sa kandungan ko.

Gusto ko man siyang pigilan pero nagagalit siya at natatakot ako, hindi ko alam bakit natatakot ako kapag tumataas boses niya.

"Hey love, pansinin mo naman ako." Hinawakan niya ang batok ko kaya medyo nakikiliti ako sa ginagawa niya.

"Teka lang, Eloise nag tatrabaho ako dito, wag mo muna ako guluhin." Sabi ko sa kaniya.

"The hell! Mas importante ba 'yan kaysa sa akin? Nag effort na nga ako para balikan mo, bakit ba hindi mo ako na a-appreciate?" Napa tayo na siya.

"Wala naman ako sinasabing mag effort ka, alam mo naman na wala na nga akong nararamdaman sayo bakit ba ang kulit mo. Inaabala mo ang trabaho ko hindi mo ba alam 'yun!" Nakaka inis na siya sa totoo lang.

Nakita kong napa luha siya kaya naguilty ako. Masyado na ba akong ma pride alam ko naman sa sarili ko na mahal ko pa siya, pero nandito pa rin 'yung what if ko na baka iwan niya ako.

"Ginagawa ko lahat, Rae para bumalik ka sa akin hindi mo alam 'yung main reason ko bakit nasaktan kita dati." Napa kunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong main reason na sinasabi mo?" Tanong ko sa kaniya.

Pero hindi siya sumagot kaya lumapit na ako sa kaniya at hinawakan siya sa braso.

"Ano ba 'yung sinasabi mong main reason, Eloise?" Tanong ko ulit sa kaniya.

"Nothing, just ignore what I said." Lumayo naman siya sa akin.

Aalis na sana siya ng yakapin ko siya sa likod.

"I'm sorry." Hinging paumanhin ko sa kaniya.

Hinayaan niya lang ako naka yakap sa kaniya.

"I'm sorry kung nasasaktan ka, sa totoo lang natatakot lang ako na baka iwan mo ako ulit at pag bumalik ang Jerry, na 'yun ay bumalik ka ulit sa kaniya." Humarap naman siya sa akin.

"Do you think na masasaktan ulit kita?" Tanong niya at tumango ako.

Hinawakan niya ang pisnge ko at iniharap sa kaniya.

"Trust me love, I won't hurt you again." Siguro hindi naman masama mag tiwala ulit.

Tumango ako sa kaniya at hinalikan niya ako sa labi na agad kong tinugon.

Apat na taon ko din hindi nahalikan ang labi niya.

Yumakap siya sa batok ko gamit dalawang braso niya, kaya niyakap ko siya sa bewang niya.

Nag halikan lang kami hanggang sa may pumasok sa office ko.

"What the fuge bar!" Malakas na sigaw ni Gill, kaya napa tigil kami at napatingin sa kaniya.

Kasama niya si Miss Wilson na naka ngisi ngayon sa amin.

Bigla naman akong nahiya, dahil nakita kami nila Gill.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Where stories live. Discover now