CHAPTER 34

10.5K 294 39
                                    

Ngayong araw na ang camping namin at nakaka lungkot dahil, hindi na makakasama si Ash sa'min.

Yun pala umuwi siya at ang sabi niya sa state na daw siya mag aaral dahil ayaw niya ng makita si Prof Monroe, lalo na engaged na pala 'to sa boyfriend niya.

Kaya ito nalulungkot kaming tatlo nila Gill at Ivo. Wala na akong kabangayan araw-araw, siya lang kase ka same vibes ko.

Hindi pa alam ni Prof Monroe, na umalis si Ash at wala din kaming balak na sabihin sa kaniya. Wala naman pake 'yun lalo na kay Ash.

"Love are you ok?" Tanong ni Eloise sa'kin.

"Yes love, nalulungkot lang ako dahil umalis na si Ash." Niyakap naman niya ako at hinarap sa kaniya.

"Don't be sad love. I know malulungkot din si Ash, kapag nalaman niyang malungkot ka." Tumango ako at hinalikan niya ako sa labi ng smack.

Nag ayos na kami dahil mamaya, pupunta na kami sa school. Bus kase gagamitin namin at magkahiwalay ang bus ng mga student at teacher.

Pero kami ni Eloise, magkasama ayaw niyang mahiwalay kami syempre ganon din ako. Lalo na kasama niya yung pugong Jerry, na 'yun ayaw kong magka-lapit sila baka may gawin pa 'yun sa girlfriend ko.

Natapos kami sa pag aayos at binitbit na namin ang mga gamit namin, syempre ako na nag bitbit dahil mas malakas ako kay Eloise.

Pag dating namin sa parking lot, agad kong nilagay ang mga gamit namin sa likod.

Pag tapos ko ay pumasok na ako sa loob at ang seatbelt na din ako.

"Are you ready love?" Tanong ni Eloise, sa akin.

"Yes love." Sagot ko sa kaniya kaya nag umpisa na siyang mag maneho.

Tahimik lang kami sa biyahe hanggang naka rating kami sa university.

Pag baba namin ay agad kaming dumeretso sa isang bus, kung nasaan sila Gill at Ivo na kasama ang ibang professor namin.

Alam naman nila kung sino kami pero nag tataka ako bakit nandito si Ivo, ang alam ko wala na sila ni Ma'am Marga. Dahil ops bawal pala spoil.

Nakita ko si Prof Monroe, na tumitingin sa likod namin.

Pag upo namin sa upuan ay bigla naman nag tanong si Prof Monroe.

"Where's Miss McKenna, bakit hindi niyo kasama?" Tanong niya napa irap naman ako.

"Hindi na po siya sasama at lumipat na po ng ibang bansa, kung saan hindi niya kayo nakikita." Sagot ko at kinurot ako ni Eloise, kaya napa ngiwi ako.

"What do you mean Miss Ashford?" Tanong niya at si Ivo na ang nag salita.

"Umalis na po siya ng bansa, hindi din po namin alam na may plano na pala siyang umalis. Kung hindi lang namin siya naka usap kagabi." Nakita ko naman yung lungkot ni prof sa mukha.

Yan kase hindi mo minahal pabalik si Ash, prof kaya ayan umalis tuloy.

Nanahimik nalang kami sa biyahe hanggang sa naka tulog ako.

Naramdaman kong may tumapik sa pisnge ko, kaya dahan-dahan kong binuklat ang mga mata ko.

"Kain muna tayo love, kaya tara na dahil kanina pa ako nagugutom." Pag gising sa'kin ni Eloise, kaya tumango ako at tumayo na.

Bumaba kami at pumunta sa isang fastfood restaurant kung nasaan sila Gill, kasama ang tatlong professor namin.

Nakita ko na lumipat ng upuan ni Ivo at sa 'kin tumabi.

Nakita ko naman tinignan siya ni Ma'am Marga, halatang umiiwas si Ivo.

Umorder na kami ng makakain namin.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Where stories live. Discover now