CHAPTER 39

10.9K 359 39
                                    

Maia Rae Ashford Pov

"I'm proud of you anak. Tignan mo nakapag pundar ka ng sarili mong restaurant, i'm sure proud na proud sa 'yo ang lola mo." Proud na sabi ni dad sa akin.

Tama si dad alam kong masaya na si lola dahil sa naipundar kong restaurant, pangarap namin 'to magkaroon ng restaurant at makilala sa buong mundo.

It's been four years na ako dito sa sa state, kaka graduate ko lang din.

Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management (BS HRM) at isa din akong suma cumlaude kaya alam kong proud na proud si lola sa akin.

Isa na akong ganap na professional chef at kilala sa buong bansa.

"Anak kailan ka uuwi ng pinas?" Tanong ni mom sa akin.

"Next week mom, and dad. Nabalitaan ko din kase na comatose kaibigan ko si Rye, nakaka lungkot dahil isa siya sa mga malalapit na kaibigan ko dito sa state."

Nakaka lungkot malaman na comatose si Rye. Ang malas talaga ng taong 'yun, nakilala ko siya last 2 years dahil naging ka schoolmate ko siya.

Lamang lang siya ng isang taon sa akin dito sa state, pero sa totoo lang masaya naman kasama 'yung tao na 'yun.

Parang si gill 'yun eh, dati hindi naman ganon 'yun. Masiyahin panga 'yun si Rye, naalala ko in love na in love siya kay Audri.

Kaso ang malas niya dahil hindi siya mahal ni Audri at ang kapatid niyang si Enrico, 'yung gusto ni Audri pero sana matuloy 'yung love story nila.

"Oh siya sige kung uuwi ka next week babalik ka din ba dito agad?" Tanong ni mom.

"Yes po mom babalik din ako agad dito alam niyo naman nasanay na ako dito sa state, kahit nauna na umuwi si Ash sa akin."

Nauna na kase umuwi 'yun last year pa, namiss ata ang pinas at staka hahanap daw siya ng sugar mommy niya.

"Sige anak aalis muna kami ng mommy mo, may date kami." Paalam nila.

Lagi naman sila may date wala ng bago doon.

Nandito ako ngayon sa bahay dahil gusto ko muna mag pahinga, napagod din ako sa trabaho dahil laging maraming customer.

Nag hiring na nga din ako ng dalawang professional chef, para may katulong ako.

Habang naka upo sa sofa ay may narinig naman ako pumasok.

Si ate Miya pala 'yung panganay kong kapatid, malaki agwat ng edad namin.

Dahil ako 24 siya 31 years old.

Hindi ko nga alam dito sa ate ko ang sungit, hindi kami magka sundo para din siyang si elsa.

Ganyan ata kapag walang jowa.

Kaka break lang din kase nila ng boyfriend niya, dahil niloko siya kasama ng bestfriend niya.

Tinignan niya ako at tinaasan ng kilay, kaya tinaasan ko din siya.

Sige mag pataasan kami ng kilay tignan natin sino panalo sa amin.

"Ate bakit ang sungit mo?" Tanong ko sa kaniya.

Hindi niya ako pinansin at dumeretso lang ng kwarto niya.

Sungit talaga akala mo may regla palagi eh.

Nag ring naman ang phone ko at pag tignan ko sila ash pala.

"Mare napatawag ka?" Tanong ko sa kaniya.

"Mare kailangan ko ng tulong mo."

"Bakit anong nangyari?" Tanong ko sa kaniya.

"Diba chef ka naman. Baka pwedeng ikaw nalang kunin ko para mag luto, meron kase akong paparty sa bahay ampunan. Gusto ko sana ikaw mag luto diba uuwi kana din naman?" Paki usap niya sa akin.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Where stories live. Discover now