CHAPTER 5

16.1K 478 68
                                    

Natapos na ang subject namin kay Prof Lazano kaya naka hinga ako ng maluwag.

Kanina pa kase ako hindi maka hinga ng maluwag, papano kase lagi siyang naka tingin sa'kin para kang may bantay sa bawat kilos mo.

Kaya hindi ko maka usap si ash kanina dahil lagi niya akong tinitignan, tapos pag tumingin naman ako iirapan niya ako.

Nag ayos na kami ng gamit para sa next subject pero naka hiwalay na kami, dahil hindi naman parehas course namin kung baga sa ibang subject halo-halo na kami.

Nang maka ayos na ay lumabas na rin kami staka kami pumunta sa next subject namin, bali kasama ko si cheska ngayon same subject ulit kami.

"Are you ok?" Tanong niya sa'kin napansin ata niya tahimik lang ako.

"Yes ches i'm ok." Sagot ko sa kaniya at ngumiti lang.

Nakarating kami sa next subject namin staka kami umupo bali mag katabi kami ni cheska, dahil gusto daw niya ako katabi hinayaan ko nalang dahil gusto ko din naman wala rin naman ako kakilala dito si cheska lang.

Dumating na yung teacher namin nag pa introduce yourself lang siya at nag discuss lang siya kung ano ang rules niya.

Pag tapos ay pinalabas niya na kami bukas daw siya mag s-start ng discuss ng lesson.

Kaya agad akong nag ayos ng mga gamit ko. Tinawag naman ako ni cheska.

"Maia sabay na tayo papuntang canteen dun nalang tayo mag antay sa mga kaibigan natin." Sabi niya kaya tumango ako.

Kumapit naman siya sa braso ko hinayaan ko nalang siya, dahil nasanay na ako na may kumakapit sa braso ko.

Nakarating kami sa canteen agad siyang humiwalay sa'kin pero bago siya humiwalay kiniss niya ako sa cheek.

Kaya nagulat ako sa ginawa niya nakita ko naman ibang studyante na naka tingin saamin, yung iba ang sama ng tingin sakin pero hinayaan ko nalang.

Sino ba sila hindi ko naman sila kilala eh.

Habang nag aantay ako sa dalawa kong kaibigan ay humanap ako ng mauupuan ko, para pag dating nila ay meron na silang uupuan.

Nang maka upo ako nakita ko naman yung dalawa kaya kumaway-kaway ako para makita nila ako.

Agad naman nila ako nakita at pumunta sa dereksyon ko.

"Hoy mare ang aga mo naman na una ka pa sa'min." Unang bungad ni Ash sa'kin habang si Gill ay tinanguan lang ako.

"Maaga kase nag palabas yung teacher namin kasama ko nga si cheska kanina eh." Sagot ko sa kaniya nakita ko naman nag bago itsura niya.

"Oh bakit ganyan mukha mo?" Tanong ko sa kaniya umupo naman sila.

"Wag kang lumalapit kay cheska, mukha lang mabait yan pero nasa loob ang kulo." Sabi niya sa'kin.

"Bakit naman wag ka ngang judgerist jan." Mahirap na 'no mamaya hindi pala totoo.

"Ano ka ba ex fling ko yan nung wala pa akong asawa." Binulong niya lang yung huli kase ang alam ng mga tao dito ay single si ash.

Secret married lang kase sila ng asawa niya kung baga arrange marriage para sa company.

"Wee papano mo nasabi yan aber hindi porket ex fling mo masama na." Pag tatanggol ko kay cheska.

"Mare makinig ka sa'kin nang gagamit lang yan si cheska, kung sino matipuhan niya tulad ko naging crush ko 'yan dati pero nalaman ko ginagamit lang pala ako kung baga katawan lang ang habol niya." Hindi ko alam kung maniniwala ba ako pero isa si Ash sa mga biktima baka totoo.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Where stories live. Discover now