SPECIAL CHAPTER - 2

11.9K 292 35
                                    

"Love, sumasakit na ang tyan ko. Lalabas na ata ang baby natin." Biglang salita ni Eloise habang nandito kami sa kama, naka yakap siya sa akin ngayon.

"T-teka bubuhatin kita." Kinakabahang sabi ko sa kaniya.

Binuhat ko siya at madaling ibinaba siya. Nakita ko pa si Manang.

"Manang, patawag po sila dad na pumunta ng hospital. Kayo na din po muna bahala sa mga bata." Nag mamadaling sabi ko sa kaniya at hindi ko na siya hinintay na mag salita pa.

Pag labas ko tinulungan na din ako ng guard, na ipasok si Eloise sa kotse ko.

"Ma'am ako na po mag d-drive. Delikado kapag kayo pa, alalayan nalang po ninyo si Ma'am Phoebe." Tumango nalang ako at ngayon namimilipit sa sakit si Eloise.

"Fvck! Hindi kana makaka ulit sa akin Rae. Ahhhhhhh!" Napangiwi ako sa sinabi niya.

Siya kaya 'tong nangangalabit tuwing madaling araw.

Hindi na ako nag salita pa, dahil baka ma suntok na ako ng asawa ko.

Pagkarating namin sa hospital ay agad kami ng inasis ng nurse.

"Dito po tayo." Turo niya sa isang kwarto, kaya dali-dali kaming pumunta doon.

"Ma'am, gusto niyo po ba na pumasok na din. Para may makapitan si misis?" Tanong ng nurse sa akin.

"Opo nurse." Agad na sabi ko sa kaniya."

Pumasok na ang doctor at sinimulan na nila, ang pag anak sa pangatlong baby namin.

"Misis, kapag bilang ko ng tatlo i ire ninyo ok?" Nakita kong tumango si Eloise.

"1"

"2"

"3"

"Ire misis!" Sabi ng doctor.

"Ahhhhhh... Maia Rae arghhgh. I told you h-huli na ito." Napangiwi ako dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"One more misis, hawak na namin ang ulo ng bata." Umire ulit ang asawa ko at maya-maya narinig ko na ang iyak ng baby namin.

"Congratulations Mrs. Ashford. Healthy baby girl po ang anak niyo." Napangiti ako sa sinabi ng doctor.

Nakita ko nahimatay si Eloise.

"Salamat po doc, pero yung asawa ko po lipat muna ninyo ng vip room." Sabi ko sa kaniya at agad siyang tumango.

Tinignan ko ang baby namin na naka ngiti. Grabe ang cute ng anak namin mana sa akin, kamukha ko siya.

Pag labas ko ay naabutan ko ang mga anak namin at agad silang tumakbo sa akin.

"Dada/Dad." Yumakap ako sa kanila.

"Healthy baby girl ang kapatid niyo, mga anak." Masayang sabi ko sa kanila.

"I want to see her, dada." Sabi ng anak kong si Jade.

"Mamaya anak, inaasikaso pa nila ang kapatid mo." Sabi ko sa kaniya.

Nakita ko din ang kapatid ko at mga magulang namin.

"Anak, musta ang anak ko?" Tanong ni Tita sa akin.

"Ok lang po siya, nahimatay lang po siya." Nakahinga naman ng maluwag sila tita.

"Maia, patingin ng anak niyo ah. Hon, na iinggit ako gusto ko na magkaanak." Masayang sabi ng anak ni Aling Aida si Archi kung naalala niyo pa.

"Soon we will have a child too." Sabi ni ate sa kaniya at yumakap naman si Archi kay ate.

Masaya ako para sa kanila. Kasal na din pala sila at akalain mo nga naman, natiis ni Archi ang ugali ni ate.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon