CHAPTER 16

14.6K 432 91
                                    

Nandito ako ngayon sa trabaho ko, kakatapos ko lang din mag luto at ngayon break time ko 1 and half hour ang breaktime ko.

Hindi rin kase biro yung mag luluto ka ng 4 hours, lalo na ngayon dinudumog ang bar namin maraming mga customer karamihan pa taga CU.

Pag labas ko nakita ko ang manager ko.

"Maia kumain kana jan nandun pagkain mo itinabi ko na, para sa iyo alam kong gutom na gutom kana.".

Bait ng manager ko 'no ganyan talaga yan kahit nung nasa restaurant pa kami nag t-trabaho.

"Salamat manager sige po." Magalang na sabi ko sa kaniya.

Kinuha ko naman ang pagkain ko staka ako umupo sa bakanteng upuan.

Tinignan ko ang mga tao. Wild na wild sila ha, meron pa akong nakikita nag m-make out sa dance floor.

Kumain na ako habang pinag mamasdan mga tao na nandidito.

Meron pa nga lumalapit sa'kin inaaya ako, hindi ba nila nakikita naka cheft attire ako.

"Hi chef, out mo na ba ngayon?" Tanong ng isang babae na lumapit sakin.

"Ahh opo ma'am." Maikling sagot ko sa kaniya.

Nagulat naman ako ng tumabi siya sa'kin.

"Kung out mo na pwede ka bang makisali sa amin?" Tanong ulit niya.

"Hindi po ma'am dahil papahinga ako ngayon mamaya ulit ako mag luluto." Kumain lang ako habang yung katabi ko dinadaldal ako.

Meron nga hinahawakan pa braso ko eh. Kahit naka chef attire ako ramdam ko ang init ng kamay niya, at hindi na ako comfortable sa ginagawa niya.

"Ma'am pwede po ba lumayo kayo sa'kin ng onti at wag niyo po ako hawakan, hindi po kase ako comfortable eh." Straight forward na sabi ko sa kaniya.

"Ops sorry sige alis na ako." Umalis na agad yung babae na kina hinga ko ng maluwag.

Pasubo na sana ako ng pagkain ng may umupo sa harapan ko.

"Miss kung lalandiin mo din ako please lang, kumakain ako at mag hanap ka ng iba." Masungit na sabi ko sa kaniya.

Inaantay ko siya mag salita pag angat ko ng ulo ko, nagulat ako sa nakita ko.

Si Prof Lazano pala 'to masama ang titig saakin.

"Bakit hindi mo agad tinanggal yung kamay ng babaeng 'yon, nag eenjoy ka ba na hawakan niya sa braso." Walang emosyon na sabi niya kaya napa lunok ako.

Kaya pala nakaramdam ako ng kaka iba dahil si Prof Lazano pala yung, kanina pa naka titig saakin.

"H-hindi naman, hindi na nga ako comfortable sa kaniya eh. P-pinaalis ko din naman siya." Kinakabahang sabi ko sa kaniya.

"Sa susunod kapag nilapitan ka sungitan mo agad tulad ng ginawa mo sa'kin." Dali-dali naman akong tumango.

Tinapos ko na ang pag kain ko habang siya naka titig lang sa'kin, aaminin ko na iilang ako sa titig niya.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Where stories live. Discover now