CHAPTER 35

10.4K 272 12
                                    

Nandito kami ngayon ni phoebe sa labas dahil kakain na daw kami, kanina pa kami gising at naka cuddle lang.

Habang kumakain kami bigla naman tumunog ang cellphone ko, at nakita ko si ash yung tumatawag kaya agad kong sinagot ito.

"Mareng ash." Masayang sabi ko sa kaniya.

Nakita ko napa tingin mga professor sa'min lalo na si Prof Monroe, pero hindi ko nalang pinansin dahil sinaktan niya kaibigan ko.

"Kumusta ka mare, naka rating kana ba sa mars?" Natatawang tanong ko sa kaniya habang sila gill naka tingin sa cellphone.

"Oo mare nakaka pagod nga eh, tapos alam mo ba ang daming nga babae dito ang gaganda." Pag mamalaki niya.

"Pake ko sa mga babae meron naman akong Eloise." Totoo naman. Tinignan ko si Eloise, nakita ko namumula ang pisnge niya.

"Yabang mo naman mare hindi porket may Prof Lazano ka. Oo nga pala nasa'n sila Ivo at Gill?" Ginitna ko yung cellphone kay Ivo, para kita kaming dalawa ni Gill.

"Mareng Ash, kumusta biyahe?" Pag kumusta ni Ivo kay Ash.

"Ito nakaka pagod may jetlag pa ako, tinawagan ko lang kayo dahil namimiss ko kayo." Ahhh sweet naman.

"Mag ingat ka jan, sana hindi ka pa mamatay." Aba bastos 'tong Gill na 'to.

"Grabe ka sa akin gill, hindi naman ako madaling mamatay dito sa mars tignan mo daming alien dito mga kalahi mo." Natawa naman kami ni Ivo, sa sinabi ni Ash. Nakita kong umirap si Gill, sa kaniya kahit hindi nakikita ni Ash.

"Hindi biro lang. I miss you guys sorry kung hindi agad ako nag paalam sa inyo, sabi ko naman kase sa inyo na do'n muna kayo sa condo ko dahil last day ko na nga at ipapaalam ko na sa inyo na aalis na ako." Malungkot na sabi niya.

Na guilt naman ako dahil tinanggi ko ang pag invite niya sa'min.

"Sorry mare kung alam ko lang eh. Hanggang kailan ka jan?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi na ako uuwi mare, baka dito na ako manirahan at mag asawa." Hindi ko alam kung biro ba 'yun or hindi.

"Kung saan ka susupportahan ka namin." Sabi ni Ivo, sa kaniya.

"Take care yourself Ash, kapag nag namahal ka ulit piliin mo 'yung mamahalin ka pabalik at hindi ka sasaktan." Hindi ko alam pero parang may laman yung sinabi ni Gill, sa kaniya.

Nakita ko naman si Prof Monroe, may kasama pala siya 'yung fiancé niyang unggoy.

"Oo nga mare dapat yung mamahalin mo mas worth it pa sa ex mo." Sabi ko din sa kaniya dahil na iinis ako sa kanilang dalawa.

Kinurot naman ako ni Eloise, kaya napa ngiwi ako.

Napa irap naman ako sa kaniya pero pinitik niya naman ilong ko.

"Aray love, masakit 'yun." Reklamo ko sa kaniya pero inirapan niya lang ako.

"Salamat mga mare don't worry kapag nag mahal ako 'yung mamahalin na din ako pabalik kapag nahanap ko 'yung taong 'yun, papakasalan ko agad 'yun at aanakan." Natawa naman kami sa sinabi niya.

"Good behavior mare." Naka ngiting sabi ni Ivo, sa kaniya.

"Sige na mga mare bye na at ako'y mag papahinga muna. Mag ingat kayo d'yan palagi baka next month na ako maka tawag sa inyo, dahil magiging busy ako sa pag-aaral ko dito." Nag paalam na kami sa kaniya.

Natapos kami kumain at pumasok na din kami sa mga tent namin.

"Love." Tawag ko sa kaniya.

"Hmmm?" Yumakap naman ako sa kaniya at hinalikan ang balikat niya.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon