CHAPTER 47

10.9K 312 46
                                    

Four weeks na akong iniwan ni Eloise, pag gising ko wala na siya sa tabi ko at nalaman ko din na bumalik na ang ex boyfriend niya.

Masakit sa akin na iniwan niya ako ulit sa pangalawang pagkakataon.

Parang s*x and run ang nangyari sa akin dahil pag tapos nangyari sa aming dalawa. Pag gising ko wala na akong na datnan na, Eloise sa penthouse niya.

May iniwan siyang sulat para sa akin.

Nalaman ko din na buntis siya dahil, nakita ko 'yung pregnancy test, sa basurahan nung bumalik ako dito sa penthouse niya.

Dear: Rae

Let's break up, sorry if I didn't say it in person because I don't want to see you anymore, I realized that I still love Jerry. Jerry is also the one I want to be with, so I'm sorry if I hurt you again.

Papaano ko siya mapapatawad kung niloko nanaman niya ako, sa pangalawang pagkakataon.

I hate her so much, hindi pa ba sapat 'yung ginawa ko sa kaniya.

Maniniwala na siguro ako sa sinasabi nila na sa lalaki pa din ang bagsak nila, kahit meron ka pa kung anong meron ang mga lalaki.

Nag ayos na ako dahil pupuntahan ko ang mga magulang niya.

Hindi ko hahayaan na solohin niya ang anak ko, responsibilidad ko din ang bata lalo na sa akin din galing 'yun.

Tinawagan ko muna si Gill, para hingiin ang address nang bahay ng magulang ni Eloise.

[Hello, Mareng Gill gusto ko sana hingiin ang address ng bahay ng magulang ni Eloise. Alam mo ba address nila?] Tanong ko sa kaniya.

[Bakit may problema ba?] Tanong niya sa akin.

[Gill, gusto kong malaman ang address ng bahay ng magulang niya. Buntis si Eloise, alam kong sa akin ang bata. Sabi niya magiging busy lang daw siya sa business nila. Pero kinabukasan may iniwan siyang sulat nakikioag hiwalay siya sa akin, dahil mahal pa din daw niya 'yung Jerry na 'yun. Kailangan ko siyang makausap, Gill mababaliw ako kapag hindi ko siya makakausap. Gusto ko malaman bakit niya ako niloko ulit.] Mahabang sabi ko sa kaniya

[Tutulungan kita, hahanapin natin kung nasaan si Miss Lazano, mag kita din tayo at may sasabihin ako sa 'yo. Itetext ko nalang ang address kung nasaan naka tira ang parents niya.] Kahit may problema si Gill, nandito pa din siya para tulungan kami.

[Salamat, Gill pasensya na kung dumagdag pa ako sa problema mo.] Nahihiya talaga ako sa kaniya sa totoo lang.

Nag paalam na siya at binaba na niya ang telepono, kaya agad akong nag ayos para pumunta sa bahay ng parents ni Eloise.

Agad na sumakay ako sa kotse ko matapos kong matanggap ang text ni Gill, sa akin.

Naka rating ako sa subdivision ng parent ni Eloise. Hindi pa ako pinapasok ng guard, pero pinakita ko 'yung I'd ko pinapasok na din nila ako.

Nandito na ako sa harap ng bahay nila at huminga muna ako ng malalim.

Pinindot ko na agad ang doorbell at ilang minuto bumukas naman agad ito.

"Good Afternoon po ma'am. Ano po sadya niyo?" Unang bumungad saakin ang isang guard.

"Good Afternoon po nanjan po ba sila Mr and Mrs Lazano?" Tanong ko sa kaniya.

"Yes po ma'am, may kailangan po ba kayo sa kanila?"

"Kailangan ko po sila kausapin tungkol sa anak nila, pwede po ba patawag sila mag hihintay nalang po ako dito." Tumango naman ang guard.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Where stories live. Discover now