CHAPTER 43

12.1K 342 68
                                    

Maia Rae Ashford Pov

Past few months nandito ako ulit sa pilipinas, dahil naitayo na ang restaurant ko.

Masaya sana ang kaso lang si Ash, kinidnap nung client nila Ni Gill.

Kaya hindi ko din masasabi na naging masaya ako, sa pag bukas ng bagong branch ko ng restaurant dito sa pilipinas.

Unang bukas niya last week ay maayos naman dahil maraming customer at ngayon may isang company na kumuha sa akin, para sa amin sila mag pa catering.

Bigatin pa namang company 'yun pero hindi ko alam kung anong company, dahil si Aling Aida ang Kinontak.

May party ata sila kaya kami din ang kinuha, dahil alam nilang sikat ang restaurant ko lalo na sa state.

May imemeet ako ngayon isang ceo, kaya nag handa ako ng bonggang-bongga naligo ako at nag toothbrush ng tatlong beses. Para hindi nakakahiya sa ceo na 'yun.

Balita ko babae daw at maganda, sexy.
Kaya nakakahiya humarap sa kaniya mabaho hininga mo tapos hindi ka pa maayos baka mag back out sayang pera.

Nandito ako ngayon sa isang place na sinend ng secretary niya, dito daw kami mag uusap dalawa.

Habang nag aantay ay chineck ko ang sarili ko, kung maayos ba inamoy ko din ang hininga ko baka mabaho eh.

Pero ok naman kaya inayos ko ang necktie ko.

Pumikit muna ako para mag dasal.
Habang nag dadasal ako may tumikhin sa likod ko, kaya agad akong napa harap.

At ganon nalang ang gulat ko dahil ang kaharap ko ngayon, ang babaeng apat na taon ko ng hindi nakikita.

Nakita ko naka poker face lang siya.

"So, ikaw pala ang sinasabi nang secretary ko na sikat na chef sa state." Bigla akong kinabahan dahil hindi ko alam gagawin ko.

Bumuntong hininga muna ako.

"Yes, miss ceo and nice to meet you po hindi ko aakalain na ikaw pala 'yung ceo na tinutukoy ni Aling Aida." Magalang na sabi ko sa kaniya.

Kailangan maging professional ako sa harap niya at ipakita na naka move on na ako.

Tinignan ko ang kamay niya at hindi na ako na gulat na may singsing siya, siguro nung umalis ako ay ikinasal na sila.

Edi good for her.

"Let's start, Miss Ashford." Tumango naman ako sa kaniya.

Nag usap kami tungkol sa pagkain na gusto niya at inexplain ko din papaano ang magiging takbo pagdating sa pag serve ng pagkain sa mga bisita niya.

Nakita kong napapa tango naman siya sa sinabi ko, pero naiilang ako dahil kung maka tingin siya akala mo lalapain ako.

Nakikita kong tumitingin pa siya sa ibaba ko.

Nag cross leg ako dahil naiilang na talaga ako.

Hindi naman ako naka skirt alangan mag skirt ako, edi makikita niya 'yung alaga ko.

Nang matapos kami sa pag uusap ay tinawag niya ang secretary niya, may pipirmahan daw ako.

Ang arte may pirma pang nalalaman.

Habang inaantay namin ang secretary niya ay inaayos ko ang necktie ko, dahil kanina pa ito hindi naka ayos.

Ang totoo hindi naman ako marunong mag ayos nitong necktie ko, hindi ko nga alam kung anong pumasok sa isip ko para mag suot ng polo at may necktie pa.

Habang inaayos ko naramdaman kong tumayo si Eloise, hinayaan ko nalang baka tatawagan niya asawa niya.

Naiinis na ako dito sa necktie na ito, ibubuhol ko nalang talaga ito.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon