CHAPTER 38

10.5K 346 78
                                    

Isang linggo na ang nakaraan at ngayon libing na ni lola.

Masakit para sa akin na mawala si lola dahil siya nalang ang meron ako, wala din naman kamag anak si lola.

"Umiiyak ka nanaman." Niyakap ako ni Ash, kaya napa yakap nalang din ako.

"Ang sakit Ash, ang sakit na mawala si lola hindi ko na alam gagawin ko Ash. Nawawalhan na ako ng gana sa lahat, lalo na ang pag aaral ko." Umiyak lang ako kay Ash.

"Sumama ka sa akin, Maia handa naman sila dad tumulong kung gusto mo sumama ka sa akin sa state." Tumingin ako sa kaniya.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

"Para maka limot alam ko ang nangyari sa inyo ni Prof Lazano, kaya gusto ko sana sumama ka sa 'kin sa state. Tutulungan kita maka bangon ulit at mag simula." Napa isip ako sa sinabi niya.

"Pag iisipan ko Ash." Tumango siya sa akin.

"Basta tawagan mo lang ako pag naisipan mong tanggapin, ang invitation ko sa 'yo."

"Salamat sa tulong mo, Ash." Pag papasalamat ko sa kaniya.

"Walang ano man basta ikaw, alam mo naman na parang kapatid na turing ko sa 'yo kahit kila Gill and Ivo."

Dumating naman sila, Gill kaya nag ayos na kami dahil ihahatid na namin si lola sa cemeteryo.

Nakarating kami sa cemeteryo at nakita ko si Eloise.

Alam ko napa mahal na din siya kay lola, kaya hinayaan ko lang siya na pumunta dito.

Hindi ko na siya kinakausap dahil masakit ang ginawa niya sa akin.

Natapos ang libing ni lola at ngayon pauwi na kami.

Bago ako sumakay sa kotse ay nakita kong nag hahalikan sila Eloise at jerry pugo, kaya napa luha ako dahil ang sakit tignan 'yung babaeng mahal mo na may kahalikang iba.

Siguro tatanggapin ko nalang 'yung alok ni Ash, sa akin na sumama sa kaniya para maka limutan ko siya.

Sumakay na ako sa sasakyan ni Ash.

"Ash, pumapayag na ako sasama ako sa 'yo para makalimutan si Eloise." Ngumiti siya sa akin.

"Kung ganon i handa mo na ang mga gamit mo, dahil bukas aalis na tayo." Tumango ako sa kaniya.

"Teka alam na ba nila Gill at Ivo ito?" Tanong ko sa kaniya.

Tumango naman siya. "Oo alam na nila kaya mamaya pupunta sila sa condo ko, para mag inom niyaya ko sila." Tumango nalang ako.

Nakarating kami sa bahay at inayos na ang mga gamit ko.

"Mang kanor, mga kapit bahay mag ingat po kayo dito. Pag balik ko at ako ay yumaman na mag papa party ako dito sa baranggay natin." Nakita ko 'yung lungkot sa mga mata nila.

"Ma mimiss ka namin, Maia mag ingat ka sa ibang bansa. Hihintayin ka namin sa pag babalik mo." Ngumiti ako sa kanila.

"Opo kaya sa pag babalik ko mayaman na ako at promise kapag nagka-roon ako ng restaurant bibigyan ko kayo ng trabaho."

"Maia, tara na." Tumango ako kay Ash.

"Pano ba 'yan mga kapit bahay aalis na ako, sa muling pag kikita mag ingat kayo dito." Kumaway naman sila at sumakay na kami ng kotse.

Pag dating namin sa condo ay naligo muna ako para pag punta nila, gill ay inuman nalang gagawin namin.

"Ligo muna ako, Ash." Sabi ko sa kaniya.

"Sige may twalya na diyan at mga kailangan mo hihintayin ko lang 'yung inorder ko." Tumango naman ako at dumeretso na ng guestroom niya kung saan may cr.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Where stories live. Discover now