BONUS CHAPTER

14K 292 50
                                    

Miya

Miya's Pov

After mamatay ni Cheska, nawala na ako ng gana. Pati pamilya ko, hindi ko na kinakausap.

Simula dumating sa buhay ko si Cheska, naging masaya ako ulit. Dahil may isang tao ang dumating sa buhay ko, para pasiyahin at samahan ako. Never kong naramdaman na nag iisa ako.

Siya 'yung tipo ng tao na kahit mas maarte pa sa akin, hindi ka iiwan at sasaktan. Pero ngayon iniwan na niya ako, na ngako siya sa akin na hindi niya ako hahayaan mag isa.

I hate you, you left me. But I still love you.

Ilang taon na ang lumipas simula nung umalis ako at namuhay mag isa. Sa taon na naka lipas, may isang tao na hindi ako iniwan.

Katulad siya ni Cheska, pero ang kaibahan lang wala siyang ka arte-arte.

"Ma'am ok ka lang ba? Kanina pa kase kita pinag mamasdan. Mahal na mahal mo talaga si ma'am Cheska 'no." Kilala ko na agad kung sino ang nag salita.

Walang iba kundi ang manager ng restaurant ng kapatid ko, at anak ni Nanay Aida na si Archi.

"I'm fine." Tipid na sagot ko.

Napa buga nalang siya ng hininga staka ako hinawakan sa balikat. Kaya nag tataka akong naka tingin sa kaniya.

"What are you doing?" Tanong ko sa kaniya.

"Ilang taon na siyang patay, hindi mo pa din makalimutan. Nasasaktan ako, Miya alam mo naman na may nararamdaman ako sa iyo." Malungkot na sabi niya.

Alam ko iyon, dahil mag dadalawang taon na niya ako nililigawan. Kahit ilang beses ko siyang busteden hindi siya tumitigil.

"Sinabihan na kita una pa lang." Walang emotion na sabi ko sa kaniya.

----------------

Archi's Pov

Ilang taon na ba siyang ganyan. Isa, dalawa, tatlo. Tatlong taon na siyang ganyan mula nung namatay si Cheska.

Sinamahan ko siya kung saan siya ngayon. Nag resign pa ako bilang manager sa restaurant ni Maia.

Sa ilang taon naming pag sasama, mas lalo ko siyang minamahal. Kahit na ang sungit niya sa akin.

Nag apply talaga ako bilang taga bantay niya, dahil gusto ko siyang alagaan hanggang sa maka recover siya.

Hindi ko din sinabi kila Maia, na kasama ko ang ate niya. Dahil ayun ang gusto ni Miya, na walang makakaalam kung nasaan siya. Kahit magulang niya.

"Alam kong sinabihan mo na ako na wag ko ituloy ang panliligaw ko, pero hindi ko ginawa iyon. Dahil hindi ako titigil hanggang hindi ka nakaka recover. Titigil lang ako kapag inayos mo ulit ang buhay mo at bumalik ka sa pamilya mo." Seryosong sabi ko sa kaniya at tumayo na.

Hahayaan ko muna siya mapag isa ngayon.

Seryoso ako sa sinabi ko, titigil ako sa panliligaw kapag bumalik siya sa dating buhay niya. Ayaw ko na habang buhay nalang siya mag mumokmok.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Where stories live. Discover now