chapter three | madam laura

7.1K 478 555
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Pinabibigay ng caretaker sa 'yo."

Tila ba bumalik sa kasalukuyan ang isip ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Gil na nakatayo sa gilid ko habang hawak ang isang bottled water. Gaya ng dati, may malamig at nababagot na ekspresyon na naman ang kanyang mukha.

"Salamat." Ngumiti ako nang tipid at tinanggap ito, ngunit imbes na uminom, tumitig na lamang ulit ako sa malawak na harding sumasalubong sa bawat bisita ng cathedral.

I took a deep breath and stayed seated at the cathedral's porch steps. Matagal nang nakaalis si Clark pero paulit-ulit sa isip ko ang sinabi niya tungkol kay Tito Roberto. It's not evil possession, and it's definitely not sleepwalking. This only leaves us with one reason . . . 

"Psychotic break," kusang lumabas ang mga salita mula sa bibig ko.

"Matumal ba ang benta ng Sampaguita at nakatambay lang kayo rito?"

Napalingon ako at gano'n din si Gil. Tumayo na lamang ako at ngumiti nang makita muli si Kuya Vito. Sa lalim ng iniisip ko, ni hindi ko man lang namalayan ang pagbabalik niya upang sunduin kami.

Habang sabay kaming tatlong naglalakad patungo sa patrol car, napansin ko ang mabilis na mga hakbang ni Gil. Siguro gustong-gusto na niyang umuwi. Malas lang niya dahil kailangan niya pang dumaan sa station para pumirma sa log book, otherwise hindi counted ang mga oras niya.

Pareho kaming natigilan ni Kuya Vito nang bigla na lamang pumasok si Gil at naupo sa front seat.

"Teka, bawal siya sa front seat, a?" bulalas ni Kuya Vito.

Natawa ako nang bahagya. "Hay salamat. I feel a lot safer sa backseat."

Kuya Vito's head sharply turned to me, his eyes now in slits. "Iniinsulto mo ba ang driving skills ko?"

Pabiro akong nagkibit-balikat at ngumuso. "I almost died three years ago because of your driving skills, so . . . "

Bumuntonghininga si Kuya Vito nang malakas at saka ngumiwi. "Habang buhay mo talagang gagamitin 'yan laban sa 'kin?"

"Of course not! Kapag kailangan lang!" tugon ko naman at natatawa siyang tinulak patungo sa sasakyan.

***

"Sa sobrang puyat ko dahil sa part-time job at paggawa ng thesis, sinubukan kong parahin ang tren! Andaming nakakita!"

"Jordan, hindi ko alam kung tanga ka o siraulo lang talaga! Nakakahiya ka!"

Nasa backseat man ako, hindi nito napigilan ang daldalan at tawanan namin ni Kuya Vito. Poor Gil could only close his eyes shut and bury airpods in his ears. Siguro ilang beses na niya kaming pinagmumura ni Kuya Vito sa isip niya dahil sa sobrang ingay namin.

Nahinto lamang kami ni Kuya Vito sa pagkukuwentuhan nang makarating kami sa harapan ng kapilya kung saan nakalagak ang bangkay ni Pia.

"Huwag kang umiyak sa loob ha? Ang pangit mo pa naman kapag umiiyak," pabirong paalala sa akin ni Kuya Vito, pero sa kabila nito ay ramdam ko ang pag-aalala niya para sa akin.

The Sleepwalker SyndromeWhere stories live. Discover now