chapter nine | bad little thea

4.2K 327 49
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Thea, anong meron? Ba't ka naghuhugas ng pinggan?"

Hindi ko napigilang matawa nang makita ang gulat sa inaantok pang mukha ng mga magulang ko. Pinatay ko ang gripo at mabilis na nagpahid ng mga kamay sa baywang ko.

"Mommy, Daddy, I made breakfast. Upo na po kayo." I flashed my sweetest smile and guided them to their chairs. "Grabe po, 5AM po talaga ako gumising para lang mag-cook ng breakfast. Nasugatan pa ako kanina dahil sa knife."

Nang maupo, parehong nagkatinginan sina Mommy at Daddy bago lumingon sa akin. Ni hindi man lang nila ako hinintay na maupo sa silya ko.

"Hindi ako papayag," Dad said firmly, breaking my heart within seconds.

"Anak, huwag mo nang ipilit please," Mommy pleaded before I could even.

Anger was beginning to build up inside my chest but I tried to smile sweetly at them. Kahit alam kong parang isang tigre si papa pagdating sa rules, ayokong sukuan agad ang pangarap ko. "Kayo naman po, hindi ko pa nga sinasabi."

"Anak, ilang araw mo nang bukambibig ang sleepover sa bahay nina Missy," Mom reminded me, blowing up my cover entirely.

"What if sa ibang bahay ng friend ko ang sleepover?" I grinned, still trying my luck.

Dad sighed, looking annoyed as he faced the table. "Kumain ka na at baka mapaglitan lang kita."

"Daddy!" I jokingly cried out loud and started holding on to the back of his chair, almost bending my knees. Kung hindi lang siguro malaki ang katawan ni Daddy, pareho na kaming natumba sa sahig kasama ng upuan. Naiiyak man sa inis, pilit pa rin akong tumatawa. Baka kasi mas may pag-asang pagbigyan ako kung mas pagpapasensiyahan ko sila.

"Thea naman, may super typhoon tapos gusto mong mag-sleepover sa ibang bahay? You're safer here! Ibang tao nga nag-e-evacuate pa para lang maging ligtas. You should be grateful that you have a house where you will be safe and happy!" Mommy started her scolding me as she grabbed rice from the bowl—rice na pinaghirapan kong lutuin! What the hell na lang talaga.

I started stomping angrily. "Bakit sa akin puro bawal pero kapag si Kuya—"

Mom sighed. "Anak, you're only 14. Ang Kuya mo naman—"

"Yes, he's older but I'm way more mature than him! Are you blind?!" The words just flew out of my mouth.

Both of them stilled, signaling that I've already crossed the invisible and very unfair line they set for me. I guess wala na ring saysay ang good girl act ko.

"Thea, just sit down and eat." Dad said coldly, which translates to 'Malapit na akong mapuno sa 'yo, tumahimik na.'

Well, ako rin naman, punong-puno na. 

"Napaka-unfair n'yo! Kahit na anong gawin ko, bata pa rin talaga ang tingin ninyo sa akin! Kahit na anong gawin ko, hindi pa rin enough para sa inyo! You think you're keeping me safe?! No! All you're doing is ruining my life!" With how fast and loud I screamed, my words and pronunciation were all over the place. 

The Sleepwalker SyndromeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon