chapter five | look out

4.9K 392 94
                                    

"Hindi ba't sinabi ko sa 'yong huwag na huwag ka nang makikipaglaro sa batang 'yon?! Napakatigas ng ulo mo! Bakit hindi ka gumaya sa kuya mo?!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hindi ba't sinabi ko sa 'yong huwag na huwag ka nang makikipaglaro sa batang 'yon?! Napakatigas ng ulo mo! Bakit hindi ka gumaya sa kuya mo?!"

Kasabay ng bawat malakas na palo ni Mama ang pagpalahaw ko. Para nang mababali ang maliit kong braso sa higpit ng pagkakahawak niya, at tila ba nagbabaga na sa hapdi ang likod ng mga binti ko dahil sa lakas ng pagtama ng kanyang nakatiklop na pamaypay rito.

Huminto lamang si Mama sa pagpalo sa akin nang tuluyang mabali ang pamaypay. Gaya ng lagi niyang ginagawa pagkatapos akong pagalitan nang pangmalakasan, iniwan niya akong mag-isa sa kuwarto ko at ini-lock pa ang pinto mula sa labas.

Buong araw, wala akong ibang ginawa kundi magmukmok sa kuwarto at magplano kung paano maglalayas, ngunit iniisip ko pa lang kung paano itatakas ang TV at VCD player, napapagod na ako. 

Sa isang iglap, bigla akong nakarinig ng katok sa bintana. Napangiti agad ako at kahit iika-ika ay masaya akong nagtatakbo patungo rito. Paghawi ko pa lang sa bintana, nakita ko na kaagad ang isang munting kamay na nakalusot sa pagitan ng grills at jalousie—isang kamay na may hawak na lollipop. Grape flavor, paborito ko.

Nasa pangalawang palapag ng bahay ang kuwarto ko at upang maabot ang bintana ko, umakyat pa talaga siya sa puno ng mangga na nasa katapat ko lang.

"Ninakaw ko 'to kay Smoeki. Secret lang natin." PJ giggled from the other side of the window.

"Yay!" My mood lit up like fireworks. Tuwang-tuwa kong tinanggap ang lollipop na para bang walang nangyari. Nagdurusa man ako dahil sa sakit at hapdi, walang-wala ito sa saya ko dahil mayroon akong PJ sa buhay ko.

PJ was more than just a brother to me. He was my first friend—the best friend a little girl could ever have. We did everything together and were always there for each other. At school, we always had each other's backs. Even if we had to go up against big kids like Bogart or terror teachers like Mrs. Dando, we didn't falter. Even if one of us was in the wrong, we stuck through each other like the stubbornly loyal kids that we were. And even if we both couldn't dare to raise our heads up to our parents, we made sure to protect each other in every way that we could.

"Sama ng loob lang ang dala mo sa amin. Ako na ang bahala kay Mama at Papa, umalis ka na."

"Wala akong pakialam. Matagal ka nang patay para sa akin."

Alam kong masama ang loob sa akin ni PJ at hindi ko siya masisisi, pero sa mga panahong nalilito ako at natatakot, alam kong siya pa rin ang tanging matatakbuhan ko. 

"Peej . . . please pick up . . . " My heart felt like it was going to burst as I listened to the ringing from the other line, waiting for him to answer my call.

My entire body ached, but not as much as my head as I try to make sense of what's going on. 

Nilibot ko ang paningin sa paligid. Nasa likurang parte man ako ng police station at nakatayo sa ilalim ng isang maliit na poste ng ilaw, natatakot pa rin akong baka biglang sumulpot si Madam Laura upang tuluyan ako.

The Sleepwalker SyndromeWhere stories live. Discover now