Chapter twenty-three | squished

3.4K 281 242
                                    

TRIGGER WARNING : This chapter will depict implied sexual assault. You can skip the middle part, or maybe the entire chapter. 

 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Seryoso? Wala na talagang signal?!"

"Subukan mo ulit maya-maya lang, Nold."

"Siya nga pala, tuloy pa rin ba tayo sa ospital?"

"Audrey . . . tuloy pa rin ba tayo sa ospital?"

Naramdan kong may tumapik sa balikat ko kaya naman napakurap-kurap ako at napabaling ng tingin kay Gil na nasa dulo ng upuan.

"Ha?" tanong ko habang marahang hinahaplos ang pisngi ni Kuya Vito na ginagawa pa ring unan ang hita ko. 

"Tuloy pa rin ba raw tayo sa ospital?" tanong ni Arnold na yakap na ang dalawang tuhod habang nakaupo sa sahig. Pare-pareho kaming balot ng putik at bahid ng dugo.

Tumango ako at napapisil sa kamay ni Kuya Vito na hawak-hawak ko pa. "Gago, bakit naman hindi?! Bilisan n'yo nga ang pagmamaneho!"

Natahimik silang lahat, at sa isang iglap lang ay bigla na lamang huminto ang sasakyan. Mabilis na lumingon sa akin ang nasa front seat na sina Bogart, Rambo, at Langaw.

"W-Why did you stop? Start the fcking car! Ano ba! Bilisan mo na!" Nataranta ako. Kung wala lang talaga ang ulo ni Kuya Vito sa ibabaw ng hita ko, sinipa ko na ang likod ng kinauupuan ni Bogart lalo't siya ang driver namin.

"P-Pero Jordan . . . wala na si Sir Vito," Langaw said hesitantly. He couldn't even look at me look at me in the eye.

"Tuluyan siyang mawawala kung tutunganga lang tayo rito! The doctors can still save him! Miracles happen! Bogart, ano ba! Kailangan pa ba akong magmakaawa?! Start the fcking car!" Napabaling ako ulit kay Gil. "Gil, palitan mo si Bogart! Ikaw na ang mag—"

Nahinto ako sa pagsasalita nang magbaba ng tingin si Gil sa sahig. Bagsak ang kanyang mga balikat at halatang walang interes na magmadali.

"You fcking assholes!" Hindi ko na napigilang umiyak. "It's not over yet! There's still a chance for him to live! Bogart, you piece of shit! Start the damn car!"

"Jordan, wala na si Sir Vito!" giit ni Rambo. "Alam kong mahirap tanggapin—"

"At sa 'yo pa talaga nanggaling 'yan?! Kung hindi ka tanga, hindi magkakaganito si Kuya Vito!" Naduro ko si Rambo. Ayokong manisi dahil alam ko kung gaano kasakit masisi, pero nang mga sandaling 'yon ay parang nawalan ako ng kontrol sa sarili kong emosyon at pag-iisip. Basta-basta na lang lumabas ang salita mula sa bibig ko dala ng matinding galit at desperasyon.

"Kasalanan ko?!" Suminghap si Rambo at mapait na ngumisi. "Mas mabilis tayong makakaalis doon kung mabilis ka lang kumilos sa gate na 'yon!"

"He risked his damn life trying to save your stupid ass! Start the fcking car!" Nanginginig kong giit.

The Sleepwalker SyndromeWhere stories live. Discover now