chapter twenty-nine pt. 1 | the price of survival

3.2K 252 341
                                    


Jordan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jordan


I closed the pantry door shut as soon as Bogart, Gil, Chad, and I got inside.

"Bakit?" kunot-noo agad na tanong ni Bogart.

"Please tell me we gonna do the nasty, please tell me we gonna do the nasty," Chad tipsily whispered underneath his breath, pero narinig ko pa rin kaya umakto akong sasapakin siya. Nagtago naman agad ang lintik sa likod ni Gil.

I rolled my eyes and just sighed, trying to hide the fact that I was still nervous as hell. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko pagkatapos naming tagumpay na matakasan si Madam Laura—technically, hindi namin siya natakasan dahil hindi naman niya kami hinabol. Ni hindi siya nagtangkang pumasok kahit noong bukas pa ito. She just stood there and watched as we ran inside for safety.

"May problema ba? Bakit dito tayo mag-uusap? Bakit tayo-tayo lang?" tanong naman ni Gil, sadyang hinihinaan ang boses.

Napahawak ako sa magkabila kong bewang at saka bumuntonghininga. "I need you guys to hide some of our weapons, 'yung tayo-tayo lang ang makakaalam. The people we just let inside, we don't really know—"

"Jordan, pinagdududahan mo ba sila?" kunot-noong tanong ni Bogart sa akin. "Pari 'yong isa sa kanila—

"Paano kung hindi siya pari at isa pala siya sa mga pugante na nagnakaw lang ng damit?" giit ko. "Utang na loob! Ayoko nang matutukan ng baril sa ulo—"

"Jordan, siya 'yong pari noong baccalaureate mass natin noong high school," kalmadong putol ni Bogart sa sinasabi ko.

"Siya rin 'yung pari na nag-bless ng mansion," sabi naman ni Chad.

Gil was about to open his mouth to vouch for the priest, so I quickly glared at him. Tama na. Alam ko nang mali ako.

"Still, keep your eye out on them!" sabi ko na lamang sa kanilang tatlo. "Don't let your guards down, especially on the kids and the pregnant woman. I know this sounds awful but I have feeling that kids and pregnant women will have harder time staying awake."

"Anong gusto mong mangyari? Iposas natin sila?" Chad started giggling, but I just kept looking at him with a poker face.

"If that's what it takes for us to stay alive," tugon ko.

"Jordan, seryoso ka?" tanong ni Bogart.

Unti-unti namang naglaho ang ngiti sa mukha ni Chad. "Jordan, I'm drunk as a skunk but I can still understand you clearly. You really want to handcuff a kid?"

"Kung sa tingin natin hindi na talaga nila kayang pigilan ang antok nila, kailangan nating gawin ang dapat para sa kaligtasan ng lahat," Gil said firmly, much to the confusion of Bogart and Chad. Meanwhile, there I was, relieved that somehow Gil and I were at the same page when it comes to keeping people safe.

The Sleepwalker SyndromeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon