chapter fifteen | monsters

3.6K 314 46
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Habang tutok na tutok si Kuya Vito sa pagmamaneho sa gitna ng malakas na ulan, ako naman ay paulit-ulit na tumatawag kay Tina na nasa karatig lungsod, malayo sa gulo ng isla.

"Jordan, kumikidlat na. Mamaya na mo na tawagan si Justin," mahinang sambit ni Kuya Vito at saka nagpaandar na ng kanyang high beams upang maliwanagan ang tinatahak naming daan.

"Then you should pull over too. It's dangerous to keep driving during a thunderstorm," giit ko naman at saka pinagmasdan ang signal bar sa cell phone ni Kuya Vito, umaasang magkakaroon ito ng kahit isang guhit man lang.

"Mas delikado kung mananatili tayo rito. Umaapaw na ang baha. Lagot tayo kung titirik 'tong sasakyan," giit naman ni Kuya Vito kaya hindi na ako nakipagtalo pa. After all, tama siya. It's better to risk getting hit by lightning than to stay and drown in floodwaters.

Mula sa rearview mirror, sinulyapan ko ang batang si Fatima na mahimbing na natutulog kasama ng sanggol sa backseat, ginagawang kumot ang mga maruming damit ni Kuya Vito. I wanted to carry the baby, or at least, sit with them, but I was soaking wet and my body was feeling so cold. 

"Jordan, cell phone," Kuya Vito reminded, this time firmly.

Tumango na lamang ako at itinago ang cell phone niya sa lalagyang nasa likuran ng kambyo.

"Siguradong tatawag si Justin at magbibigay ng update sa papa mo, tiwala lang," he assured me.

Tumango ako at sumandal na lamang sa kinauupuan. Pumikit ako upang makapagpahinga nang kaunti, pero bigla na lamang bumalik sa isip ko ang nakakapanlumong hitsura ng kuwartong iyon sa orphanage.

"Justin . . . " Dumilat ako at bumulalas.

"Ha?" Bahagyang sumulyap sa akin si Kuya Vito.

"You know what? Ever since I returned, I've never heard you refer to her as Tina. Not even once." It was the first thing that crossed my mind, so I spoke my thoughts aloud, just to prevent my mind from coming back to that awful room again.

"Puro ka Justin kahit na alam mong si Tina na siya ngayon. Hanggang ngayon ba, hindi mo pa rin tanggap ang buhay na gusto niya para sa sarili niya?" dagdag ko pa.

Nagsalubong ang kilay ni Kuya Vito nang sumulyap siyang muli sa akin. "Ano bang mali kung tawagin kong Justin ang kapatid ko? Hindi pa siya lumalabas sa tiyan ng Mama namin, 'yon na ang pangalan niya. Pagbali-baliktarin ang mundo, siya si Justin."

"Hindi mo pa rin ba siya tanggap?" pag-uulit ko.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Suminghal si Kuya at bahagyang tumawa. "Kung hindi ko pa siya tanggap, dapat ginugulpi ko pa rin siya. Dapat tinatago kong may kapatid akong—"

"Look, I know this is none of my business, but Tina loves the hell out of you. You're her role model. Believe it or not, she even wanted to be a cop to follow your footsteps. The only reason why she didn't become one, was because she was scared that she'd be a burden for you, considering how f*cked up some of your people can be to people like her," paliwanag ko. "Tina. Just call her the name she wants to be called. It may just be a name, but coming from you, I'm sure it would mean the world to her."

The Sleepwalker SyndromeWhere stories live. Discover now