chapter twenty-nine pt. 3 | the price of survival

4.9K 266 152
                                    

hello hello! heads up lang na part 3 'to ng chapter 29. just in case, aksidenteng hindi napansin si part 2 sa notifications haha.

 just in case, aksidenteng hindi napansin si part 2 sa notifications haha

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Parehong nagkatinginan sina Jordan at Masha habang naglalakad sa gitna ng tahimik na hallway, sinusundan ang ginang na may kabagalan ang mga hakbang.

Nahinto lamang sila sa paglalakad nang makarating sa isang tila ba malawak na sala. Mayroong malaking sofa sa gilid ng silid, pati na isang flatscreen TV. Sa kabilang dulo naman ay nakapuwesto ang isang drum set at piano. Mayroon pang mga gitarang nakasabit sa dingding. Mayroon ding isang malaking billiard table. Bukod dito, sa dulo ng silid ay may isang malaking bar—kumpleto ito dahil may mesa, tatlong upuan, at cabinet na puno ng mga klase-klaseng bote ng alak.

"How rich is this family . . . " Hindi napigilan ni Jordan na suminghap habang nakangiwi.

"Tama lang para ma-enjoy ang buhay," natatawang sagot ng ginang na narinig pala ang sinabi ng dalaga. 

"Tumutugtog po kayo?" tanong naman ni Masha sabay turo sa drum, bagay na malakas na ikinatawa ng Tita Letty ni Chad.

"Naku, hindi. Tambayan lang talaga 'to ni Chad at ng mga pinsan niya noong wala pa ako rito. Doon 'yong kuwarto ko," pagtatama ng ginang at dahan-dahang naupo sa sofa. "Oh siya, kunin n'yo ang cleaning supplies diyan sa cabinet na katabi lang—aray ang likod ko . . . "

"O-Okay lang po ba kayo?" Hindi napigilan ni Masha na mag-alala nang makitang dumadaing ang babae habang sapo ang likod.

"P-Pakuha ng salonpas at tiger balm ko, please? Mukhang napasobra yata ako sa treadmill kanina," sabi pa ng matanda sabay sandal ng likod sa sofa. "Nandiyan yata sa bar table?"

Nagkatinginan sina Masha at Jordan bago parehong naglakad patungo sa dulo ng silid kung saan naroroon ang bar table na gawa sa kahoy.

Nang wala silang ibang makita sa mesa maliban na lang sa mga baso, napatingin si Jordan sa isang drawer na malapit lang sa kanila.

"Tita Letty, puwede ko po ba 'tong buksan? Baka nandito ang salonpas at tiger balm n'yo."

***

"Ano ba talagang binabalak ni Madam Laura?" Nakangiwing nag-angat si Lincoln ng tingin mula sa telescope at napabaling sa katabing si Gil. "Ano? Sinusundo niya si Bogart?"

Bumuntonghininga si Gil at nilibot ang paningin sa paligid ng rooftop na kinatatayuan nila. "Masama talaga ang kutob ko rito . . . Imposibleng nakatayo lang siya diyan."

"What if she's just a distraction?" kaswal na wika ni Ezra habang nakaupo sa isang bangkito at pumapapak ng chihirya. "What if, while all of us are busy keeping an eye on that lil old woman, her friends are coming inside through other parts of the gate? Alam n'yo na? 'Yong hindi kita ng CCTV."

Natigilan sina Lincoln at Gil hanggang sa parehong unti-unting napalingon kay Ezra.

"What?" Inosenteng tanong ni Ezra habang ngumunguya pa. "I had a point! Matalino ako sa gaguhan, tanungin n'yo pa ang mommy ko."

"Akala ko ba hindi ka naniniwala sa mga sleepwalker?" tanong ni Gil, naniningkit ang mga mata.

"At akala ko ba doon ka lang sa floor mo?" tanong naman ni Lincoln. "Bakit biglang nandito ka?"

Nagkibitbalikat si Ezra at ngumiwi. "The priest was panicking. I don't know about you fuckers, but if the coolest man in town panics, then shit is really going down."

"At bakit ka nga nandito? 'Di ba may sarili kang floor?" pag-uulit pa ni Lincoln sabay sara sa zipper ng jacket na suot.

Sa puntong iyon ay gumuhit ang ngisi sa mukha ni Ezra. "I realized that if there are more people, there are more choice of victims. And if there are more choice of victims, there are more chances of survival."

Nagkatinginan sina Lincoln at Gil at nagsibuntonghininga na lamang.

"Guys!"

Nagsilingon silang tatlo sa pinto nang bumukas ito't iniluwa si Smoeki na humahangos. Sa lakas ng hangin, kahit maging ito ay nawawalan na ng balance sa kabila ng tangkad at laki ng pangangatawan.

"Bakit? Anong nangyari?" Mabilis na tanong ni Gil at lumapit dito. Ganoon din si Lincoln.

"Bumaba raw si Jordan sa basement sakay ng dumbwaiter! Hindi ko siya mamonitor kasi na ka'y Chad ang iPad! Susundan ko sana si Jordan kaso ayaw gumalaw ng makina, masyado akong mabigat! Si Masha, nagpumilit siyang bumaba! Kasya ba kayo sa dumbwaiter? Sunduin n'yo nga—"

"Shit." 

Natigilan sina Smoeki, Gil, at Lincoln nang bigla na lamang tumayo si Ezra sa kinauupuan, nanlalaki ang mga mata at nabitiwan pa nito ang hawak na chichirya. 

"Ezra, anong shit? Bakit shit?" tarantang bulalas ni Lincoln.

"We have to get the girls out of there! May severe narcolepsy si Tita Letty!" wika ni Ezra na agad tumakbo patungo sa pinto.

***

"Tita Letty, puwede ko po ba 'tong buksan?" pag-uulit ni Jordan nang hindi sumagot ang ginang. "Baka nan—"

"Jordan?" biglang pabulong na sambit ni Masha, dahilan mapako sa kinatatayuan si Jordan at makaramdam ng kakaibang kilabot.

Dahan-dahang napalingon si Jordan kay Masha at napansin niyang nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa direksiyon ni Tita Letty.

Nagsimula ulit sa pagdagundong ang puso ni Jordan. Sa kabila nito ay lumingon siya sofa at doo'y nakita niyang nakatulala si Tita Letty habang nakaupo, walang kaemo-emosyon ang mukha.

"Nieta . . . " Napasinghap si Jordan sa sobrang pagkabigla. 

Kasimbilis ng kidlat na napalingon sa kanila si Tita Letty, bagay na ikinasinghap din ni Masha sa sobrang pagkagulat.

Nagkatinginan sina Jordan at Masha, parehong nanlalaki ang mga mata sa isa't isa. Wala mang salitang binibitiwan, nang mga sandaling iyon, pareho silang nagsisigawan sa kanilang mga isipan.


//

The Sleepwalker SyndromeWhere stories live. Discover now