chapter twenty : tainted

3.3K 234 56
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Ako si SPO2 Vito Flores. Alam kong mahirap paniwalaan ang mga sasabihin ko, pero utang na loob, manatili kayong gising. May kung anong virus sa mga bote ng tubig. Hindi namin sigurado kung sa Agua Del Sol lang ba kaya iwasan ninyong uminom o kumain nang kahit ano. Ang mga nahahawa ay nagkakaroon ng lagnat, dumudugo ang ilong, nawawala ang pandinig, at oras na makatulog ay nawawala na sila sa sarili. Nagiging napakalakas at napakabagsik nila. Kahit na anong pagmamakaawa, hindi sila makikinig at papatay lang sila nang papatay. At oras na umatake sila, bumabagsak lamang sila kung sa ulo sila tatamaan. Iwasan nating humantong sa ganito. Manatili kayong gising. Magtago, umiwas sa ibang tao, tumakbo, lumaban. Utang na loob, manatili kayong gising."


Nang paandarin ko ang radyo ng sasakyan, boses kaagad ni Kuya Vito ang narinig ko. Paulit-ulit ang kanyang mensahe, hindi nagbabago. Damang-dama ko ang taranta at desperasyon niya sa bawat salitang binibitiwan.

"Nagawa niya." Bumuntonghininga si Gil habang nakatuon ang atensiyon sa daang tinatahak namin."Nabalaan na niya ang lahat."

Pinatay ko ang radyo at pikit-matang napasandal sa kinauupuan. "Sana lang marami ang nakikinig. Sana lang maniwala sila. Sana manatili silang gising."

Pagdilat, bumuntonghininga ako at napakiling ng ulo sa direksiyon ni Gil. "Thanks for helping me look for Masha. You really didn't have to do this but—"

"Protect each other right?" Bahagya siyang ngumisi at napatingin sa akin. 

Magsasalita sana ako pero bigla kong natanaw ang neon sign ng Georgia's Mart. Nanlaki ang mga mata ko at agad itong tinuro. "G-Gil, stop stop!"

"Bakit? Anong meron?" Pagkahintong-pagkahinto ni Gil sa sasakyan, bumaba agad ako at kumaripas ng takbo, hindi alintana ang kulod at kidlat na sinasabayan ng napakalakas na hangin.

As I entered the shop, my footsteps came to a sudden halt. Muntikan pa akong nadulas, pero mabuti na lang at napahawak ako kaagad sa metal na handle ng pintong gawa sa salamin.

"Linc?!" Wala sa sarili kong sigaw nang makita kung gaano kagulo sa loob ng shop. May mga shelf at mesang natumba, at nagkalat ang mga produkto sa sahig. 

Napangiwi ako nang may maamoy na kakaiba pero napagtanto ko agad kung ano ito nang makita isang fire extinguisher sa sahig. Hahanapin ko sana si Linc pero kasunod kong nakita ang ilang pares ng mga putikang footprints sa sahig. May ilang patak din ng sa tingin ko'y dugo pero hindi gaano karami.

Judging by the muddy footprints, It looked as if three to four people entered and ran out of shop. And the muddy footprints were dry, making me think that they left hours ago. Ang hindi ko lang sigurado, kung sabay-sabay ba sila o hindi.

"Jordan!" Tumatakbong pumasok si Gil sa loob ng shop. Lumapit siya sa akin at gaya ko'y muntikan din siyang nadulas. Pareho kaming nagsigawan. Mabuti na lang at nahawakan ko kaagad ang manggas ng jacket na suot niya.

The Sleepwalker SyndromeWhere stories live. Discover now