chapter twenty-two | the last word

3.4K 291 337
                                    


"Three!" we all screamed together just as Gil pulled the trigger, successfully hitting the guard's back

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Three!" we all screamed together just as Gil pulled the trigger, successfully hitting the guard's back.

Handang-handa na akong bumangon at kumaripas ng takbo—at sa tingin ko ay gano'n din silang lahat—pero pare-pareho kaming nagulat nang hindi binitiwan ng guwardiya ang paa ni Arnold. Bagkus, bigla itong huminto sa paglalakad at unti-unting humarap sa amin.

Umalingawngaw ang napakalakas na sigawan naming lahat nang makita ang dilat na dilat at walang kaemo-emosyong mukha ng guardiya. Mas tumindi pa ang sigawan namin nang bumuka nang pagkalaki-laki ang bibig nito, tila ba isang halimaw na nagngangalit.

Sa sobrang takot, lalo kaming nagyakapan ni Arnold. Naramdaman ko ding yumakap sa amin sina Langaw, Bogart, at Rambo mula sa likuran. Still lying on the ground, the five of us hugged and screamed like crazy. Only Gil had the presence of mind to stand up as he continued to pull the trigger.

Gunshots rang out as we continued to scream at the top of our lungs.

"Ulo! Ulo! Tamaan mo sa ulo!" I cried out repeatedly but Gil kept missing the shots. 

And then the most horrible thing happened . . .

"Ubos na ang bala ko!" sigaw ni Gil habang paulit-ulit na kinakalabit ang gatilyo. "Audrey, ang baril mo!"

Napasinghap ako sa narinig. Gusto ko biglang kutusan ang sarili ko dahil nawala sa isip ko ang baril na nasa bulsa ng jacket ko.

I quickly pulled out the gun from my jacket's pocket, but before I could drag down the safety lever, Langaw started screaming his head off again while pointing at the corridor to our left.

"Parating na sila! Takbo!" sumigaw si Gil at naramdaman ko ang paghigit niya sa kamay ko at paghatak sa akin patayo.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ang ilang anino ng mga taong naglalakad patungo sa amin. Ilan sa kanila ay mabagal ang paggalaw, ngunit may ilan ding mabibilis ang paglalakad. We couldn't see their faces clearly, but we could tell that they were heading for us . . . and they were coming for bloodshed after hearing our screams of terror.

"S-Si Madam Lauraaaa!" Umalingawngaw naman bigla ang napakalakas na sigaw ni Rambo at paglingon ay nakita nga namin ang lola ni Bogart na naglalakad pababa ng hagdan, patungo sa mismong kinaroroonan namin.

"Oh, fuck this!" sumigaw si Arnold nang pagkalakas-lakas. Sa sobrang takot niya ay siya na mismo ang nagtanggal ng kamay ng guardiya mula sa kanyang paa! Kumaripas agad ng takbo ang lintik at nilagpasan kami.

Seeing Arnold run past us, we jumped up and bolted too. Hindi na namin hinintay pa ang reaksiyon ng guwardiya.

From where we were standing, we had three paths to choose from—the left corridor, the right corridor, and the dark grassy campus grounds leading to the gates. 

Dahil mula sa left corridor ang mga paparating na anino, didiretso na sana kami sa right corridor. Kaso, habang tumatakbo patungo rito, nakita namin ang isang lalake na lumabas mula sa isang classroom habang may dalang itak na balot ng dugo. Saka ko na lang din napansin ang anino ng mga katawang nakabulagta sa paligid ng corridor.

The Sleepwalker SyndromeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon