Taehyung's Heart 6

6.5K 373 322
                                    

Taehyung's Heart 6

"Anong ginagawa mo dito, Quin?"

Lahat sila nakatingin sakin. Nakayakap naman si Theo kay Quin. Why did she came back all of a sudden? Papahirapan na naman ba ako ng babaeng 'to? May balak na naman yata 'tong lokohin ako. Please tell her to stop.

"Kung kukunin mo na si Theo, wag ka nang magpaalam. Dahil wala akong pakealam. Take him away." sabi ko.

"V" tawag niya.

God! That voice! Aaminin kong na-miss kong pakinggan ang boses niya. Okay, na-miss ko nga siya. Pero that doesn't mean na kailangan ko na namang magpakatanga. Para saan pa? Para masaktan ako ulit? I've been into a lot of bullshits in life, I don't want to look back.

"K-kumusta?" tanong niya.

Seriously? Pakatapos niya akong saktan ganyan yung itatanong niya? Half of my brain wants to say, "Eto, mahal ka pa rin. Gagong-gago pa rin sayo." Kaso di ako nagpadala. Nakakajeje.

"I'm good—until I saw you again. Sana di ka nalang nagpakita pa." I know I'm lying. I can feel my tongue rolling back while saying those words to her. Kaso kailangan kong magmukhang matapang sa harap niya. Ayokong kaawaan niya ako.

"Thank you pala sa pag-aalaga kay—"

"Fuck off." sabi ko saka nagmadaling lumabas ng dorm. Sinadya ko pa talagang sagihin ang braso niya, causing her to stumble a bit.

Pagkalabas ko ng dorm, I breathed out. Kanina pa ako nagpipigil ng hininga sa harap nila. Ang lakas ng heartbeat ko after seeing her again. I want to hug her kaso ayoko na.

Everytime I get near her all I get is pain.

*

Pumunta nalang ako sa building ng BigHit, maybe to unwind a bit. Nadaanan ko ang practice room namin, may tao. Pagsilip ko, sila Ice pala. They are busy practicing for their comeback. Ang alam ko next month na ang comeback nila. Upbeat ang music nila, and sabi ng ibang crew, ang grupo daw nila ang Girl version ng BTS. Ewan ko lang.

Nang mahalata yata nila na nakatingin ako, agad silang tumingin sakin.

"Annyeonghaseyo, sunbaenim." bati nila at nagbow.

Ngumiti lang ako.

"Oy, V!" sigaw ni Ice saka tumakbo palapit sakin. "Ano ginagawa mo dito?"

"I came to see you." automatic kong sagot.

Napataas ng kilay si Ice, samantalang ako naman napakunot ang noo. Bakit ko nga ba sinabi yun? Pumunta nga ba talaga ako para makita siya o baka naman echos ko lang yun? Whatever.

"Uhmm. Ehem. Tapos na ba ang—ahh—ano niyo, practice? Let's go out. Treat kita ng Ice cream." nagchange topic nalang ako dahil napansin kong may awkwardness na namutawi sa amin. Nag-agree naman siya.

Habang kumakain, ang dami niyang kinikwento kaso hindi naman ako nakikinig ng maayos because I'm too preoccupied thinking kung ano na bang nangyayari sa dorm. Ano kayang pinaguusapan nila? Ano kayang ginagawa ni Theo? Nandun pa kaya si Quin?

Taking Kim Taehyung's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon