Taehyung's Heart 8

7.5K 334 802
                                    

Taehyung's Heart 8


"TITO KOOKIEEEEEEE!!"

Nagising ako dahil sa malakas na sigaw na boses ni Theo. I cringed at his high pitch baby sound. Halos mapatakip na nga ako ng tenga gamit ang unan ko. Siya na ang nagsilbing alarm clock ko simula nang iwan siya dito ni Quin.


Speaking of Quin, it was 3 days since she left. 3 days since she promised that she'll come back.

And 3 days since I'm holding on to those words that she said...



"I SAID I DON'T WANT ANIME!! TITO JIMIN, PALUIN NIYO SI TITO JUNGKOOK!!"

There goes his cute yet irritating voice. Halos mapuno na ng ingay niya ang buong dorm. My face crunched upon hearing his shout again. Ano naman kayang pinag-iingay niya? At bakit punterya niya si Jungkook?


Nagmadali akong lumabas ng kwarto even though naka-boxer shorts lang ako, my hair is a mess and my face... just don't.


"Yah! Ano na naman yang ingay mo, Theo?!" I groggily asked while scratching the back part of my neck. Nagmadali siyang tumakbo sakin saka niyakap ang binti ko. He's still wearing his pajamas and his long sleeves na ginagamit niya sa pagtulog. Like me, gulo-gulo din ang buhok niya. Halatang kakagising lang din.


"Daddy, ayaw pong ilipat ni Tito Kookie sa Disney Channel!" sumbong niya sakin.

"Hayaan mo na Tito mo. Maknae eh."

"But—DADDYYYY!"


I saw Jungkook's triumphant smile habang umiinom ng fresh milk directly sa karton mismo. Tinaas niya pa ang paa niya sa maliit na mesa saka bumelat kay Theo. This maknae—really.

Lumapit ako sa kinauupuan ni Jungkook. Si Theo naman nakatayo lang dun, sending death glares to his Tito Jungkook. His face, though grumpy-looking, seemed to be so cute. Ang sama din ng tingin niya sakin.

Kinuha ko kay Jungkook kay remote saka yun pinokpok sa ulo niya. Napa-buga siya nung iniinom niyang gatas at napatingin sakin ng ''tangina-anong-ginawa-ko?"


"Mas bata si Theo. Pagbigyan mo." I told him then turned the TV to Disney Channel.

Hindi naman maalis ang tuwa sa mata ni Theo, tumalon-talon pa siya sa saya. Isama mo pa yung lalong lumiit niyang mga mata, tsaka yung malalim niyang dimples. Looking at him was heaven.


"Ha! Daddy loves me more, Tito Kookie." asar niya kay Jungkook saka umupo sa isang couch. There's a smug look at his face, tapos bumelat pa siya kay Jungkook. Kookie just rolled his eyes at Theo. Pero maya-maya, lumapit din siya kay Theo saka nagkilitian ang dalawa. Napangiti nalang ako sakanila. Looking at them eases out the hurricane in me.




Tinawag na kami ni Jin hyung para kumain ng breakfast. And as usual, Theo and Kookie are the first one to rush at the dining table. At dahil hindi niya abot ang upuan, si Namjoon hyung ang kumarga sakanya at inalalayan siyang makaakyat.

Naghilamos muna ako at nagsuot ng damit saka dumulog sa hapag.

Kandong na ni Jin hyung si Theo at sinusubukang subuan. Theo's happily eating as well, bakas ang saya sa buong Bangtan habang pinagmamasdan si Theo na kumakain at si Jin hyung sa pagsubo sakanya. I guess fans' joke of calling him ''eomma'' is becoming real.

Taking Kim Taehyung's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon