Taehyung's Heart 35

808 38 5
                                    

Taehyung's Heart 35




TAEHYUNG'S POV

Maingat kong pinaupo si Theo sa passenger seat saka ko siya pinag-secure ang seatbelt niya. Hinalikan ko siya sa noo at tipid na ngumiti sakanya. He looked a bit sullen, opposite to the giddy kid he was sporting a while ago. I cupped his cheeks and noticed his eyes. Mugto ang mga mata niya.

"Sinong bumili nung baby octopus para sayo?" mahinahon kong tanong sakanya.

"Si Papa Hobi." he answered, his voice cracked, if my hunch was right, from too much wailing.

"Ah jinjja? Wow. Masarap ba yung food?" tanong ko ulit.

"Ne." sagot niya, this time parang pabulong nalang yung sagot niya.

"Baby," tawag ko sakanya. Theo looked at me with his expectant eyes, waiting for me to speak. "Sinaktan ka ba ni Hobi hyung?"

Umiling-iling si Theo na siya namang ikinasaya ko. I'm relieved na hindi siya sinaktan. Pero malaking palaisipan pa rin para sakin kung bakit mugto ang mga mata niya. "Binili niya ako ng baby octopus! Tapos, sabi niya bibilhan niya ako ng ice cream pero sabi ko papagalitan ako ni mommy quin kapag nag-eat ako ng ice cream." sumbong niya.

And what he added later on made my eyebrows furrow, "Tapos sabi niya bibilhan niya ako nung baby octopus kapag nag-stop na ako magcry. Tapos sabi ni Papa Hobi, shh Theo."

"Nag-cry ka?" I asked him while caressing his plump cheeks. "Bakit nag-cry ang baby ko?"

Theo fell silent when I asked. A few more second, tears were silently spilling from his eyes and his lips were quivering from stopping himself from wailing. Agad ko siyang inalo sa pag-iyak. Niyakap ko siya at napansin ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin. He seemed so scared and he won't tell me what made him feel like this. Umiyak na ng umiyak si Theo sa loob ng kotse.

"Tahan na, baby. Andito na si daddy, ok? Shh, tama na. Don't cry na, baby, please." pag-aalo ko sakanya na patuloy pa rin sa pag-iyak.

"S-sabi nung monster kapag n-nagcry ako, kukunin niya si M-mommy!" Theo said between his hard sobs. Grabe ang pag-iyak niya at medyo nagpapanic na ako dahil ngayon ko lang nakitang nagkakaganito si Theo.

"Sinong monster?"

"Tapos, s-sabi niya, k-kapag nagsumbong ako kay daddy o sa Tito Bangtan, ibibigay niya ikaw sa dinosaur t-tapos wala na a-akong daddy!"

"Sinong monster, baby? Sabihin mo, please, Theo."

"Uwi na tayo, daddy! Uwi na tayo! Gusto ko na sa bahay! Appaaaa!" nagmamaktol na si Theo habang umiiyak, kaya wala akong nagawa kundi pakalmahin muna siya bago ako magdrive pauwi ng dorm. Niyakap ko lang siya ng mahigpit.

"Okay, uuwi na tayo, baby. Don't cry na, babantayan tayo nung guardian mo. Di ba, sabi ni daddy may rabbit sa moon at yung rabbit na 'yun ang magbabantay sayo kapag may danger." I whispered, hoping it would help him calm down.


He still kept crying while I hold him on my arms. I kept humming him a few of our songs, even rapped a verse or two of Cypher which made Theo giggle in between his sobs. Medyo okay na siya, his crying subsided. Sumisinok-sinok nalang siya at wala nang luhang umaagos mula sa mga mata niya. I wiped his tears and kissed both of his eyelids.

"Don't be scared, okay? Di ba superman si daddy? Kayang-kaya yun ni daddy talunin!" nakangiting sabi ko kay Theo saka nag-superman pose. He seemed a bit okay afterwards. I just realized I spent a whole half an hour comforting Theo. Pumasok na ako sa kotse at chineck kung ayos ang seatbelt niya. Then I drove off home.

Taking Kim Taehyung's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon