Taehyung's Heart 32

1.1K 55 34
                                    


Taehyung's Heart 32



TAEHYUNG'S POV

"Nauna nang umuwi si Hobi papuntang Seoul." salubong sa amin kaagad ni Namjoon hyung nang pumasok siya sa kwarto ni Jin hyung kung saan kami tumatambay ngayon. Nilapag niya ang dala-dala niyang mga inumin sa bedside table at humiga sa kama katabi ni Jimin.

Napakunot agad ang noo ko, "Bakit daw?"

"Apparently, na-move ang ribbon-cutting ceremony para sa pagbubukas ng bagong shop ni Dawon noona. Hindi niya daw maabutan kung sasabay siya sa flight natin pauwi bukas ng hapon." sagot niya sa akin.


Hindi ko magawang maghinala sa mga kinikilos ni Hoseok hyung. Parang lagi siyang wala sa focus, maliban nalang kapag on-stage kami o kapag nagpeperform. Off-cam naman, lagi siyang nagkukulog sa kwarto at dinadahilan na kailangang magpahinga o nagcocompose ng beats, minsan nga ni hindi na rin siya sumasabay sa amin magdinner pakatapos ng concerts namin dito sa US. Lumalayo na siya sa masiyahin na Hoseok hyung na nakasanayan ko.

Kapag talaga tama ang hinala ko sakanya, hindi ako magdadalawang isip na idemanda siya.

Nang makaalis ang van na sinasakyan namin sa Incheon International Airport, nagpaalam ako kaagad kila hyung at sa manager namin na sa preschool ni Theo ako bababa. Kahit na wala pa akong maayos na tulog mula sa mahabang flight mula US, mas gusto kong makasama agad ang anak ko bago pa man ako patumbahin ng pagod.

Suot-suot ang face mask at itim na cap, bumaba ako at nagmadaling naglakad papunta sa parents' waiting lounge ng preschool. Ilang minuto nalang naman at patapos na ang pasok ni Theo. Tinext ko kaagad si Quin na sinundo ko ang anak namin.


Tumunog na ang bell at isa-isa nang naglabasan ang mga daycare pupils. Nakabantay naman ang teacher nila sa labas at pinagsasabihan sila na huwag masyadong magulo sa hallway.

'Di nagtagal, lumabas na din si Theo. Nakangiti siya at mukhang masayang nakikipagkulitan sa mga batang kaklase niya. He looked so innocent, too pure for this world. Napangiti ako kaagad. Sasalubungin ko na sana siya nang may lalakeng naka-itim na hoodie at cap ang humawak sa kamay ni Theo. Takot at galit agad ang naramdamana ko. At mas lalong kumulo ang dugo ko nang kinarga ng lalake si Theo at naglakad palabas.


Siya kaya 'yung lalakeng nagmamanman sa amin? Siya ba? Hindi ako makakapayag na sirain ng lalakeng 'to ang pamilya ko. 'Di ako papayag na lagi nalang takot at pangamba ang mararamdaman namin ni Quin para sa security ng pamilya namin.

Tumakbo ako ng mabilis at nang maabutan ko sila, agad kong hinawakan sa braso ang lalake at inalis ang suot niyang cap.


"Hoseok hyung?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Daddy!" sigaw ni Theo, inalis niya ang pagkakayakap niya sa leeg mula kay Hoseok hyung at nagpupumilit na magpakarga sa akin.

Kinuha ko siya at hinalikan ko siya sa pisngi. I let him rest his head on my shoulder as I tighten my hold on him. "Pati ba naman si Theo idadamay mo sa katarantaduhan mo, hyung?" pag-aakusa ko sakanya.

He scoffed in disbelief, "Ano bang pinagsasabi mo, Taehyung? Pinagiisipan mo ba ako ng masama? Sinusundo ko lang si Theo!"

"Sinusundo o kikidnapin? Magkaiba 'yun, hyung."

Lumapit sa akin si Hoseok at sinamaan ako ng tingin. He seemed frustrated and irritation was evident on his face, "Hindi ko magagawa 'yang mga pinagbibintang mo sakin, Tae."

Taking Kim Taehyung's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon