Taehyung's Heart 25

1.8K 77 46
                                    

Taehyung's Heart 25



QUIN's POV

Babalik na sana ako sa waiting area ng Converse High dala-dala ang ilang accessories na gagamiting ng group para sa photo shoot nila sa season's greeting nang biglang may humigit sa akin papasok sa isang storage room. Isinara niya kaagad ang pinto saka isinandal ako sa pader.

Sinalubong ako ng mga ngisi ni Taehyung.

I rolled my eyes at him. "Kim Taehyung, may trabaho pa ko, kailangan kong--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makita kong hinubad niya ang suot niyang hoodie, buti nalang may suot pa siyang manipis na tshirt sa ilalim.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya lalo na nang isandal niya ang isa niyang kamay sa pader para i-trap ako. He tilted his neck and looked at me with his mesmerizing eyes. Napaiwas ako ng tingin at akmang lalabas nang isandal niya naman ang isa pa niyang kamay sa pader sa tabi ko. Pakiramdam ko uminit ang buong mukha ko dahil sa pinaggagagawa niya.

"Y-yah!" pigil ko sakanya saka bahagya siyang tinulak palayo.

Taehyung chuckled, "Relax. Ipapahiram ko lang sayo 'tong hoodie ko." aniya sabay abot sa akin ng hinubad niyang hoodie.

Malakas ko siyang tinulak para makawala sakanya. "Pwede mo naman gawin 'yun nang hindi ako tinatakot, di ba?"

"I just love teasing you, though. Ang cute cute mo kapag naasar, reminds me of the times nung nililigawan palang kita noon." sagot niya saka ngumiti. Inabot niya ang mga kamay ko saka mahigpit na hinawakan. "Your hands are cold. Bakit ba kasi ang nipis ng suot mong sweater?"

Hindi ako umimik. Lumapit ako sakanya saka niyakap siya sa may bewang. He looked down at me, "May problema ba?"

Umiling-iling ako, "Body heat." natatawa kong sagot.

He chuckled at my answer. Hinigit niya lang ako saka mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko and then resten his chin on top of my head for a while.


Napangiti ako. This are the moments with Taehyung that I live for.


Kumalas ako sa pagkakayakap sakanya saka sinuot ang hoodie niya. Malaki ang size ng hoodie niya sa akin kaya nagmistulang dress sa akin at lampas pa ang sleeves sa mga daliri ko. Tinulungan ako ni Taehyung na ifold ang sleeves para mailabas ko ang mga kamay ko.

"Thank you." I muttered while he's busy doing the folding.

Ngumiti lang siya sa akin saka hinalikan ang kamay ko.



Pumasok ako sa room ng CH saka inayos ang accessories sa mesa na gagamitin ng individual members. Abala ako sa pagsort out ng mga earrings nang biglang lumapit sa akin si Yoonji, ang assistant manager ng Converse High.

"Quin-ssi, hoodie ba ni Taehyung 'yang suot mo?" tanong niya habang nakakunot ang noo.

Natigilan ako sa ginagawa ko at agad na lumingon sakanya. Her arms were crossed in front of her chest tapos tinititigan niya pa ako mula ulo hanggang paa. Judgmental ang isang 'to.

"N-ne?" baka kasi mali lang pagkarinig ko sa tinanong niya.

"Sabi ko, bakit mo suot ang hoodie ng isang BTS member?" ulit niya.

Sht. Hindi nga ako nagkamali sa narinig.

Sasagot sana ako nang biglang may umakbay sa akin--si Ice.

Taking Kim Taehyung's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon