Taehyung's Heart 18

3.2K 166 239
                                    

Taehyung's Heart 18





QUIN's POV

Nakaupo ako sa may front porch habang inaabangan kong umuwi si V. Maagang natapos ang duty ko bilang assistant ng Converse High, pakatapos ng photoshoot nila at fanmeeting, pinauwi na kami agad dahil sa dorm na rin naman ang diretso ng girl group na 'yun. First day ng school nila Theo ngayon, ako ang naghatid at sumundo sakanya kanina.

Napatingin ako sa wall clock, magaalas-dos na pero hindi pa rin umuuwi si Taehyung. Niyakap ko ang tuhod ko saka nagpatuloy sa paghihintay sakanya. Medyo malamig ang simoy ng hangin, hinigit ko ang jacket na suot ko para medyo matakpan ang katawan ko. Chineck ko ang cellphone ko, walang reply sina Jimin oppa o kaya Hoseok oppa sa kung nasaan si V.

Papasok na sana ako sa loob ng marinig kong nagbukas ang gate. Paglingon ko, nandun si Taehyung. Pasuray-suray siya habang naglalakad, muntik pa nga siyang matumba nang humakbang siya papalapit. Agad ko siyang inalalayan, sinabit ko ang kamay niya sa balikat ko at tinulungan siyang makapasok ng bahay ng hindi natutumba.

"Saan ka ba kasi pumunta? Ano bang nangyari at lasing ka?" sunod-sunod kong tanong kahit na alam kong hindi niya naman ako sasagutin.

Nakaabot kami sa kwarto. Hiniga ko siya doon saka inalis ko ang sapatos niya. Nagdadalawang-isip ako kung papalitan ko ba siya ng damit dahil pawis na pawis na siya o gisingin ko siya? Ayoko naman kasing hubaran siya. Basta, ayoko.

Pumunta ako sa kusina para ipaghanda siya ng kape at saka dalhan sya ng gamot para hindi sumakit ang ulo niya. Pagbalik ko galing kusina, wala na sa kama si V. Natagpuan ko siya nasa loob ng CR namin, naka-unbutton na ang suot niyang damit. Nakatalikod siya sa akin. Kitang-kita ko ang ginagawa niya dahil nakabukas ang pinto. Nakatingin lang siya sa reflection niya sa salamin.

"T-taehyung." tawag ko sakanya.

Napatingin naman siya sa reflection ko sa salamin, saka bahagyang napangisi. Hindi ko alam kung bakit medyo kinabahan ako sa ginawa niyang 'yun.

"Bakit hindi mo sakin sinabi ang totoo?" seryosong tanong niya.

Naguluhan naman ako sa tanong niya. Ano bang sinasabi niya?

Binaba ko ang dala kong gamot at hinanda kong kape sa may bedside table at lumapit sakanya. Nasa may pintuan palang ako ng banyo nang may itinapon siya sa akin. Nagkalat ang ilang papel sa sahig, 'yung iba halos gusot na. Wala akong naiintindihan sa mga pinaggagawa ngayon ni Taehyung.

"Ano na naman bang problema mo, Kim Taehyung ha?!" naiinis na tanong ko.

"Ikaw at 'yang mga kasinungalingan mo!" lumapit siya sa akin, nagsukatan kaming dalawa ng tingin.

"Wala akong ginagawa sayo, Taehyung, kaya huwag kang magbintang! At anong kasinungalingan na naman ba ang tinutukoy mo? Lagi nalang ba tayong--" hindi na natapos ang sasabihin ko dahil may pinulot siyang papel saka inabot sa akin.

Halos lumuwa ang mata ko sa nabasa ko.

Tristan Theo Alferez | Kunpimook Bhuwakul

DNA Testing result: Match POSITIVE



Alam ko na kung ano na namang pinuputok ng buchi ni Taehyung. Napatulala lang ako sa papel na inabot niya sa akin, hanggang sa may naramdaman nalang akong mga luha na tumulo galing sa mga mata ko. Hindi ko ma-explain kung bakit sobrang sakit din sa parte ko nung mabasa ko 'yun. Puro kasinungalingan ang laman ng papel. Hindi 'to totoo.

Anak ni Taehyung si Theo. Sigurado ako doon.

"H-hindi 'to totoo, V, please m-maniwala ka sakin. I-ikaw ang ama ni Theo!" pagpupumilit ko sakanya.

Taking Kim Taehyung's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon