Taehyung's Heart 38

758 37 26
                                    

Taehyung's Heart 38




TAEHYUNG'S POV

"Anong kagaguhan na naman ang pinaggagagawa mo, Kim Taehyung?!" tanong ni Yoongi hyung, galit na galit at mahigpit na nakahawak sa kwelyo ng suot kong damit. Nasa likuran niya naman sina hyung at Jimin na mukhang nagaalangan na lumapit, takot sa reaksyon ni Yoongi hyung.

"Ayaw ko lang na madamay kayo, hyung!"

"At ano? 'Yun lang ba ang naiisip mong paraan? Ang iwan kami ng basta-basta lang? Hindi mo man lang ba inisip kung ano ang magiging reaksyon namin?!" sunod-sunod niyang tanong.

"Hyung, nakakabit sa pangalan ko ang grupo natin. Hangga't hindi ako aalis, mahihila ko kayo pabagsak. At lahat ng pinaghirapan natin, mapupunta sa wala." sabi ko. Pahina ng pahina ang boses ko nang sabihin ko 'yun.

Natigilan naman si Yoongi hyung hanggang sa unti-unti na ring lumuwag ang pagkakahawak niya sa kwelyo ko. Pinakawalan niya ako saka napasapo sa noo. Nag-walkout si Yoongi hyung at dumiretso sa kwarto niya, iniwan kami doon sa tapat ng pinto.


Namjoon hyung directed us towards the living room to talk over the matter calmly. We took our seats, and after a few minutes Yoongi hyung went out of his room and joined us. Hindi man siya makatingin sa akin, naiintindihan ko kung bakit.

"Taehyung-ah, ano ba talagang plano mo? Hindi ba't mukhang padalos-dalos ang ginagawa mo?" it was Joon hyung who spoke first, he seemed to be the most concerned.

Napabuntong-hininga ako at tumingin sa dako ni Namjoon hyung, "Pakatapos ng couple's event next week, aaminin namin ni Ice ang totoo sa lahat ng tao. Hindi ko na kayang magsinungaling. Sasabihin ko rin ang nangyaring pagpapakulong ko kay Bambam. Lahat-lahat. Inaasahan ko na ang magiging epekto nun sa career ko."

"Naiintindihan ka namin, Taehyung. Pero sana maintindihan mo rin na mahirap sa amin na tanggapin na parang binalewala mo ang opinyon namin. Di ba tayo 'yung magkakakampi dito kahit anong mangyari?" sabi ni Jimin. Sinandal niya ang noo niya sa balikat ko at tinapik-tapik ang likod ko.

"Nagulat nalang ang management kanina dahil may mga reporter na tumawag tungkol sa official statement ng BigHit sa sinasabing pag-alis mo sa grupo. Ngayon, anong sasabihin natin sakanila? Trending na rin sa twitter yung balita. For sure, nag-aalala na ang ARMYs." ani Jin hyung.

"Kakausapin ko ang management bukas. Saka na ako magrerelease ng official statement kapag ayos na rin ang plano namin ni Ice. Matagal na rin niyang napagdesisyunan na umalis sa CH at bumalik ng Busan pakatapos ng lahat ng 'to." kwento ko sakanila.

Napatingin kaagad sa akin si Jungkook nang mabanggit ko ang pangalan ni Ice. Sa mga tingin niya palang, alam kong meron siyang gustong sabihin pero mas pinili niyang manahimik.

"Sa totoo lang ayoko na sanang makialam sa mga gusto mong gawin, Kim Taehyung." boses ni Yoongi hyung ang narinig naming lahat. "Kung gusto mo nang aminin sa lahat ang totoo, edi gawin mo. Pero hindi na kami mga bata na hindi kayang ipaglaban ang sarili nila kapag may naging problema. Naiintindihan ko na gusto mo lang protektahan ang pangalan ng BTS, pero Kim Taehyung, mas uunahin namin na makisama sayo sa laban mong 'yan kesa sa ipagpatuloy ang lahat ng wala ka."


Napatingin ako kay Yoongi hyung, bigla kong naramdaman ang pagtutubig ng mga mata ko. Isa-isa ko silang pinagmasdan at lahat sila naga-agree sa sinabi ni Yoongi hyung. As much as possible, I try to look strong and invincible. Ayoko kasing magmukhang mahina, ayokong maging pasanin ng grupo. Pero dahil sa sinabi ni Yoongi hyung, naramdaman ko ulit kung gaano nila pinahahalagahan ang pagkakaibigan namin higit sa lahat.

Taking Kim Taehyung's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon