Taehyung's Heart 28

1.9K 94 64
                                    

Taehyung's Heart 28



QUIN's POV


Gabi na nang matapos ang buong presscon. At sa buong byahe pauwi, hindi man lang kami nagpansinan ni Taehyung. Kinakausap ako ni Ice pero simple at tipid lang ang mga sagot ko sakanya. Hindi ko alam kung saan nahuhugot ni Ice ang ganitong asal niya--parang wala lang sakanya ang mga nangyari at masyado siyang insensitive sa nararamdaman ko.


Alam niya kung sino ako; asawa ako ni Taehyung at anak ko si Theo. Sa kabila ng lahat ng 'yun, nagawa niya pang halikan si Taehyung sa harap ko at nakuha pa niyang kausapin ako na parang hindi big deal ang ginawa niya. Naiinis ako sakanilang dalawa, lalo na kay Taehyung.

Hindi ko alam kung anong nagawa ko para hindi niya iconsult sa akin ang lahat ng nangyayari. Ganun nalang ba ako para sakanya? Isang PA na asawa na walang karapatan tumulong sa pagdedesisyon sa mga bagay-bagay. Physically at emotionally drained na ako, gusto ko nang magpahinga.


"Hobeom-nim, pwede po bang ibaba niyo nalang ako sa may waiting shed? Magba-bus nalang ako pauwi. Pinayagan na ako ni Yoonji-ssi na umuwi ng maaga ngayon." magalang kong sabi.

"Sigurado ka, Quin? Sumabay ka nalang sa amin pauwi, dadaan lang kami sa BigHit saglit para--"

"O-okay lang po. Mag-isa nalang akong u--"

"Hindi ka bababa. Sabay tayong uuwi." singhal ni Taehyung.

Napatingin ako kaagad sakanya. Nagsasalubungan ang mga kilay niya, mukhang inis. Saglit lang kaming nakatinginan sa mata nang umiwas siya kaagad. Napatingin nalang siya sa may bintana at hindi na ulit namansin. Natahimik kaming lahat sa buong byahe pabalik sa building.


Hindi na ako pumasok ng building kundi dumiretso na ako ng parking area. Hinintay sa ko loob ng kotse si Taehyung, at makaraan ang ilang minuto lumabas na siya ng building at sumakay na ng kotse.

Tahimik kaming dalawa sa byahe. Alam kong parehas kaming may gustong sabihin pero mas ginustong manahimik. Nakarating na kami ng bahay at wala pa rin kaming imikan ni Taehyung.

"Quin--" tawag niya.

Hindi ko siya nilingon, "Hayaan mo muna akong magpahinga, Taehyung." sabi ko saka pumasok sa loob ng bahay.


Nadatnan ko si Yunhyeong oppa at Theo sa sala. Nakatulog na si Theo sa tabi ng uncle niya na nanunuod ng palabas sa TV. Tahimik akong lumapit sakanila. Nang makita ako ni Yunhyeong, agad siyang tumayo at niyakap ako.

"Oppa, salamat sa pagbabantay kay Theo ngayong araw. Hindi na ako nakadaan sa school ni Theo dahil may pinatrabaho sa akin." paumanhin ko.

Ngumiti siya sa akin. "Para namang hindi tayo pamilya, Quin. Mabait naman si Theo kaya madaling alagaan." aniya.

Kumalabog ang pinto sa kwarto namin ni Taehyung. Napabuntong-hininga nalang ako. Hinagod ni Yunhyeong ang likod ko at pinaupo ako sa sofa.

"Napanuod ko sa TV kanina yung presscon..." panimula niya.

Napahilamos ako ng mukha saka napayuko. Kahit ngayong gabi lang, gusto kong kalimutan ang nangyari kanina ngunit alam kong kukulitin ako ni Yunhyeong sa totoong nangyari.

"Quin, kung hindi mo na kaya ang mga nangyayari umuwi muna kayo ng Pilipinas ni Theo." aniya.

"Yunghyeong-oppa, alam mo naman kung ano talaga ang rason bakit ako pumunta ng Korea, di ba? Para makasama ni Theo ang daddy niya. Ayokong lumaki siya na walang ama. Hindi ako basta-basta uuwi ng Pilipinas, sinuway ko ang kagustuhan nila mommy na makasama si Bambam para lang makasama ko si Taehyung."

Taking Kim Taehyung's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon