Taehyung's Heart 36

782 35 15
                                    

Taehyung's Heart 36



JUNGKOOK's POV

Nakayuko lang ako habang naglalakad papunta sa subway platform kung saan kami magkikita. I can't have eye contact with people around me, baka makilala ako ng mga tao. Maraming tao pa naman sa subway sa oras na 'to, naghahabol ng last trip pauwi ng Busan.

Sa totoo lang, kalahati ng utak ko, hindi na umaasa na pupunta siya ngayon dito. Alam kong marami siyang inaasikaso at wala sa plano niya ang umuwi sa Busan...kasama ako. Ngunit higit sa lahat, sa loob-loob ko, gusto ko siyang makasama pauwi. Kahit saglit na oras lang.

At nakita ko nga siyang nakaupo sa bench sa subway platform. Nakasuot ng brown coat, naka-asul na scarf. Bahagya akong napangiti nang makita kong nakatingin rin pala sa dako ko.

"Akala ko hindi ka pupunta," sabi ko sakanya.

Tumayo siya at napatawa, "Ikaw nga 'tong late ng 15 minutes. Akala ko i-indianin mo na 'ko." asar ni Ice sa akin.


Inayos ko ang pagkakalagay ng scarf na nakapulupot sa leeg niya, pati na din ang suot niyang sombrero. Iniiwasan namin na may makakilala sa amin ngayong araw. Isang malaking gulo ang mangyayari kung sakaling malaman ng media na magkasama kami.

"Parang kailan lang, ano? Nagkakilala tayo sa subway station sa Busan, parehas tayong walang kaalam-alam sa kahihinatnan natin sa Seoul." aniya habang inaalala ang mga sandali ng nakaraan.

Napabuntong-hininga nalang ako, "Ma-swerte pa rin tayo. May nawala mang relasyon sa ating dalawa, may mga tao naman tayong nakilala para pasayahin tayo. Nakilala mo ang CH, nakilala ko sila hyung." sagot ko sakanya.

Tumango-tango siya. Ilang segundo pa kaming nagkatitigan bago tuluyang napangiti si Ice. May kung anong nagniningning sa mga mata niya na hindi ko mawari. Para bang meron siyang pinaplano.

"Excuse me? A-ako nga pala si Venice Han, alam mo ba kung papano lagyan ng load ang T-money card ko?" sabi niya bigla. Bahagya man akong naguluhan pero naintindihan ko na ang ginagawa niya.

She's reenacting the moment we met.

Napangiti ako sakanya, "S-sige, miss. Turuan kita sa machine."

"Ano nga palang pangalan mo?"

"Jeon Jungkook. Venice Han pangalan mo, tama ba?"

"Mm-hm."

Parehas kaming napatawa. Pareho pa pala naming naalala ang linyahan namin nung una kaming nagkakilala. 'Di nagtagal, nag-announce na na parating na ang sasakyan naming tren. Sabay kaming naghintay ni Ice, at hawak-kamay kaming pumasok sa loob.

Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya, baka sakali, kahit ngayon lang, hindi na siya mawala sakin.



*****



TAEHYUNG'S POV

Kakauwi ko lang sa dorm ngayon dahil nakiusap si Mama na tumuloy muna ako saglit sa bahay habang wala pa kaming schedule or activities. Nakapagusap kaming dalawa tungkol sa mga bagay-bagay, lalong-lalo na yung tungkol sa nangyaring sagutan nila ni Quin sa family lunch namin. Pinaintindi ko kay Mama ang sitwasyon ng pamilya namin, kung anong klaseng sakripisyo ang ginagawa ni Quin para mabigyan ng buo at masayang pamilya si Theo. Hindi nakasagot si Mama habang nagkikwento ako. I just hope her silence means understanding and patience.

Taking Kim Taehyung's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon