Taehyung's Heart 31

1.2K 67 25
                                    

Taehyung's Heart 31



TAEHYUNG'S POV

Nakapikit ako habang minamasahe ng isa sa mga staff namin ang balikat ko. Natapos na ang isang oras na fanmeeting namin ni Ice para sa isang brand ne ini-endorse naming dalawa. Balak pa sana kaming papirmahan ng isa pang kontrata pero hindi na ako pumayag dahil sa tour namin sa US. Hindi na kakayanin ng katawan ko ang sunod-sunod na endorsements, practice mula umaga hanggang gabi at ilang shoot para sa concert VCR.


"Taehyung-ssi?"


Minulat ko ang mata ko at tumambad sa akin ang manager ng Converse High. Agad akong napaayos ng upo at nagtanong kung anong kailangan nila sa akin.

"Pinapatawag ka ni Ice, gusto ka daw niyang kausapin." sabi niya sa akin.

Ngumiti naman ako at pumayag. Nagpaalam ako sa manager 'ko at saka dumiretso sa studio kung saan daw ako hinihintay ni Ice. Wala akong ideya kung tungkol saan ang paguusapan namin ni Ice pero umaasa ako na sana maganda ang pag-uusapan namin.


Kumatok muna ako sa pinto ng studio at narinig ko naman ang boses ni Ice na pinahihintulutan akong pumasok. Nakabukas ang laptop niya at mukhang inaasikaso ang demo ng panibagong kanta para sa comeback nila. Umupo ako sa tabi niya at agad na ngumiti.

"S-sunbae-nim." tawag niya.

Lalong lumawak ang ngiti ko, "Babalik ba tayo sa formality? Akala ko friends na tayo kaya pwede mo nalang akong tawaging Taehyung." asar ko sakanya. Totoo naman, masyado na kaming close ni Ice at minsan, naiilang na ako kapag tinatawag niya akong sunbae.

She shyly smiled and looked at me, "Taehyung, uh, gusto ko kasing mag-sorry 'dun sa nasabi ko nung isang araw. Alam ko na, masyadong selfish 'yung sinabi ko na sana totohanin natin itong--alam mo na. Masyado lang talaga akong--"

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon.

"Wala ka dapat ipag-alala. Alam kong nakainom ka nung mga oras na 'yun, kaya hindi ko naman sineryoso yung sinabi mo." sabi ko sakanya dahilan para mapayuko siya at bahagya lang tumango.

Huminga ako ng malalim. I always mention how Ice is my happy pill. Kaso nga lang, sa estado niyang ganito nasasaktan ako na makita siyang nagkakaganito. Mas lalo lang akong nagi-guilty dahil alam kong ako kasi ang dahilan kung bakit siya naiipit sa sitwasyon na 'to, wala naman siyang ibang ginusto kundi ang tulungan ako.

Hinawakan ko ang pisngi niya at iginaya siyang tumingin sa akin. When I made sure she's looking at me, I genuinely smiled.

"Ice, ako dapat yung humihingi ng pasensya. Wala ka nang ibang binigay sa akin kundi suporta at tulong, tapos ganito pa ang isusukli ko sayo. Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon at kasinungalingan na 'to pero--"

"Ginusto ko 'to, V. Sana alam mo na hindi ko pinagsisisihan na tinulungan kita sa ganitong paraan." aniya.

Bahagya kong ginulo-gulo ang buhok niya. Minsan nakakalimutan ko na may mga pagkakataon na matigas din ang ulo ni Ice, parang si Quin. Kapag napagdesisyunan nila, wala nang balikan pa.

"Ice, ayoko lang kasi na isipin mo na ginagamit lang kita para mapagtakpan ang lahat. Malinis ang intensyon ko na pakatapos ng lahat ng 'to, aayusin ko lahat ng gusot at hindi ko hahayaan na madamay ka sa posibleng damage na mangyari kapag sinabi ko sa publiko ang totoo. Pareho lang natin tinutulungan ang isa't-isa, okay?" sabi ko.

Taking Kim Taehyung's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon