Taehyung's Heart 12

6.4K 270 265
                                    

Taehyung's Heart 12

Warning: Please lang patawarin niyo ako sa mga susunod na mangyayari sa chapter na ito. HAHAHAHAHAHASWAEG feedbacks afterwards xx/pumuntang daegu/



V's POV

Hindi ako umuwing luhaan sa gabing 'to kahit na ginago na naman ako ng buhay. What I did? Bar. Clubbing. Party. This is the newest version of me. Mas in-upgrade para maging bullshit-proof. I am not drunk, kaya ko pa ang sarili ko. Kinailangan ko lang talagang mag-unwind at makaiwas sa kashitan na nangyayari sa buhay ko.

Quin lied to me for Bambam's sake.

Jungkook has feelings for my happy pill--Ice

And Jimin, who used to be my best friend, gave up on me.

Great. Sarap ng buhay. Leche!



Quin was waiting for me outside the house, nakasuot siya ng makapal na jacket at hinihipan ang kamay para mainitan. I stopped on my tracks. Noon, gawain ko yan, ang maghintay sakanya sa labas ng bahay nila para lang mag-"hi baby, I miss you" sakanya. Now, is it selfish to think na deserve niya yan bilang kabayaran sa pagpapakatanga ko sakanya noon? I shrugged off the thought. Diri-diretso lang akong naglakad.

I'm gonna pretend that she's not there.

That's right, Taehyung. Naka-survive ka kahit papano ng tatlong taon, ngayon pa ba?

"V!" she immediately stood up and ran towards me. Tumingkayad siya saka ako niyakap. I was taken a back, kaya wala akong nagawa kundi magpayakap nalang sakanya. I just stood there, emotionless.

"Bakit ngayon ka lang? Nakatulog na si Theo. Teka, kumain ka na ba?" tanong niya sakin ng sunod-sunod habang nakahawak sa batok ko.

Pasalamat na din ako at medyo madilim dito sa labas, hindi niya makikita yung mga pasa na galing sa suntok ni Jungkook. Wala akong magawa kundi tumingin lang sa mga mata niya. Paano niya kaya nakukuhang umasta na parang wala siyang nagawang kasinungalingan sakin kanina?

Forte niya kayang saktan ako o sadyang lapitin lang talaga ako ng kamalasan sa buhay?

Hindi ko na din siya sinagot. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya saka ako tahimik na pumasok sa loob, leaving her behind wondering what gotten into me. Inalis ko ang suot kong jacket at sinabit sa may stand sa gilid ng pinto. Agad akong pumasok ng kwarto, at sakto din namang papasok si Quin ng bahay.

Matapos ang ilang minutong half-bath, lumabas na ako ng CR at nagpalit ng damit. Agad akong humiga sa kama at pinilit na matulog, kaso buhay na buhay ang diwa ko at ang ininom kong mga alak parang wala lang ang tama sakin. Nakatingin lang ako sa may kisame hanggang sa bumalik sa alaala ko yung mga nangyari kanina habang kasama ko si Ice...


"I just don't want you getting hurt, that's all." bulong ko sakanya habang yakap-yakap ko siya.

Nagulat si Ice sa sinabi ko kaya napatingin lang siya sakin. Marahan niyang pinisil ang pisngi kong walang sugat saka ngumiti, "Matibay akong tao, V. Kaya ko na ang mga bagay-bagay. Tsaka ako dapat nagsasabi niyan sayo."

Napangiti ako ng kaunti sa sinabi niya. Knowing that she can handle herself somehow comforted me. Ginulo ko ang buhok niya, rason para masigawan niya ako. Napatawa nalang ako saka niya ako inalalayang umupo sa isang bakanteng couch sa paligid at tiningnan niya ang mga sugat ko. Kumuha siya ng wet wipes saka pinunasan ang ilang natuyong dugo sa pisngi at gilid ng labi ko.

Taking Kim Taehyung's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon