Taehyung's Heart 22

2.8K 127 109
                                    

Taehyung's Heart 22



TAEHYUNG's POV

Kung wala si Jimin para pigilan ako, baka bugbog-sarado na ngayon si Hoseok. Nakailang suntok ako sakanya pero siya ni hindi man lang lumaban sa akin. Nakaupo lang siya sa sahig, inaalalayan nina Yoongi at Jin hyung. Hingal na hingal ako, at medyo kumikirot na din ang mga kamao ko sa kakasuntok sakanya.

"Tumigil na kayong dalawa! Talagang sa oras pa ng trabaho niyo naisipan na magbugbugan!" sigaw ni Namjoon hyung sa aming dalawa na siya namang inirapan ko lang.

"Ikaw, Taehyung, pwede ba respetuhin mo naman si Hoseok? Mas nakakatanda pa rin siya sayo! Ikaw naman, Hoseok, sa dinami-dami ng babae na pwede mong magustuhan 'yung babae pang may anak at asawa na pa ng kaibigan mo!" pangaral naman samin ni Jin hyung.

Napangisi lang si Hoseok na para bang nang aasar. "Asawa? Parang hindi naman asal-asawa ang pinapakita niya kay Quin." aniya.

Lalong uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Susugurin ko sana siya at sisipain kaso hinigit ako nina Jimin at Jungkook papunta sa upuan na malayo kay Hoseok. Inis na inis ako sakanya, sa sinabi niya at sa pag-amin niya sa nararamdaman niya kay Quin. Tinuring ko siyang parang pamilya pero ganito pa ang mangyayari. Traydor.


Biglang may kumatok sa pinto ng studio room at pumasok si Manager Hobeom, hawak-hawak ang cellphone niya at may kausap. Nang matapos ang tawag, hinarap niya kaming lahat.

"Teka, anong nangyari? Ba't may pasa yan si Hobi?!" parang naghhyesterical niyang sabi.

"Shhh! Manager hyung, kami na bahala ng mga nangyayari dito. Aayusin namin 'to. Pasensya na." pag-assure naman ni Namjoon hyung habang nakatingin sa aming dalawa ni Hoseok.

"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ni Yoongi.


Huminga ng malalim ang manager namin. Tumingin siya sa labas ng studion room at siniguro na walang ibang tao na makakarinig sa amin. "May bad news ako."

Sinara niya ang pinto at saka tumingin sa akin.

"V, tumawag sa akin ang eskwelahan ni Theo. Imbes na number mo, yung akin ang sinulat doon ni Quin sa form ni Theo para maprotektahan ka. Sabi sa tawag, nahirapan daw huminga ang anak mo kaya sinugod na sa ospital." nag-aalala niyang sabi.

Napatayo ako kaagad; gulat, hindi makapaniwala at nagpapanic. Lumabas ako kaagad ng studio room, kinuha ko ang bag ko, cellphone saka wallet at lumabas na ng building. Hindi ko namalayan na nakasunod pala sakin ang Bangtan maliban kay Hoseok pati ang manager namin. Dali-dali niyang tinawagan ang company driver saka kami sinundo sa tapat ng building ng BigHit at hinatid sa ospital.


Nang malaman mula sa hospital desk kung saan ang kwarto ng anak ko, mabilis akong tumakbo para puntahan iyon. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa sobrang kaba at pagkabalisa.

Pagpasok ko ng kwarto ni Theo, may nagchecheck-up sakanyang doctor at isang nurse. Lumapit ako sakanila.

"Kayo ba ang pamilya ni Theo Alferez?" tanong ng doktor.

Tumango-tango ako, "Ne." sagot ko sakanya.

Magsasalita na sana ang doktor nang biglang bumukas ang pinto at dumating si Quin, hingal na hingal at pawisan. Naalala ko na sumama siya sa MV shooting set ng CH dahil sa trabaho. Saglit kaming nagkatinginan saka lumapit siya sa akin at sa doktor.

Taking Kim Taehyung's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon