Taehyung's Heart 34

953 45 18
                                    

Taehyung's Heart 34




TAEHYUNG'S POV

"Hindi ka pa uuwi?"

Napalingon ako at agad na ngumiti nang masilayan ko si Ice na papalapit sa akin. Inaayos ko ang ilang gamit ko na nandito sa lounge sa building ng Bighit bago ako umuwi sa dorm. Pakatapos ng company meeting namin ngayong araw, binigyan kami ng ilang day offs para makapagpahinga.

"Inaayos ko nalang 'yung mga gamit ko tapos uuwi na din ako." sagot ko sakanya. I tapped the space beside me and let her sit.

Ilang araw na din ang nakalipas nung huli kaming magkita at magusap ni Ice. As far as I know, they're busy filming for an endorsement ad and a few promotions for their new comeback, samahan pa ng guesting sa ilang variety shows at performances sa ilang year-end shows.

"Taehyung oppa,"

"Hmm?"

Humarap siya sa akin at tumingin sa mga mata ko, "Gusto ko sanang kausapin ka tungkol sa ilang importanteng bagay." aniya.

I scooted closer to her and gave her an encouraging smile, "Sige. Tungkol saan?"

Her facial expression soften. Kanina kasi mukhang tensed siya masyado, parang kinakabahan na kausapin ako. I can tell that there's something bothering her right now. Gusto kong makatulong na maresolbahan ang kung anumang iniisip niya.

"Yung tungkol sa presscon." panimula niya, "Na-realize ko kasi na ayoko nang magpanggap sa mga tao tungkol sa totoong relasyon nating dalawa. Gusto ko nang sabihin sa lahat ang totoo, na hindi tayo mag-asawa at hindi ako ang mommy ni Theo."

Huminga ako ng malalim bago sagutin siya, "Ice, sa totoo lang, 'yun din ang gusto kong mangyari. Nagusap-usap na kami nila hyung pati na rin ni Bang PDnim tungkol diyan. Balak ko sanang magpatawag ng presscon ulit pakatapos ng LY series. Pakatapos nun, magpapahinga muna ako at magla-lielow para hindi gaanong lumala ang sitwasyon sa media at sa lahat ng tao." Inabot ko ang kamay niya at bahagyang pinisil iyon, "Masaya ako na parehas tayo ng iniisip."

She gave me her sincere smile as she ruffled my hair. Ilang segundo niya pa akong tinitigan saka siya sumandal sa balikat ko, "Natatakot lang kasi ako na baka kapag pinatagal pa natin ang pagsisinungaling, mas lalong lumala ang sitwasyon. Isa pa, ako naman yung nag-initiate sa plano na 'yun para kahit saglit matulungan kita. But you don't have anything to worry, hanggang sa huli, kasama mo kong tatapusin 'to." she reassured me.

"Pakatapos ng presscon, baka hindi na muna ako mag-renew ng contract ko sa Converse High." dagdag pa niya.

Bahagya akong napaiwas sa kanya. Para akong nahulugan ng bomba sa sinabi niya. "Ice..."

"Natatakot kasi ako sa posibleng maging backclash 'nun sa career ko. The moment I did our first presscon, alam ko na ang possible consequences, handa ako dun. Ang hindi lang okay sa akin, yung madamay ang members ng CH sa gulo." Pinisil niya ang braso ko, "Basta, ayun na ang plano natin, okay? Kapag natapos ang LY series niyo at natapos na din lahat ng schedule namin, iki-clear out na natin ang lahat sa media."

Tumango-tango ako.

"Tapusin na natin ang pagpapanggap na 'to." she joked and bumped her shoulders against me.

I hugged her once more, feeling happy and relieved that we're on the same boat. "Gusto ko na rin matapos 'to. I owe Quin a peaceful family life. Gusto ko nang mabuhay kami ng matiwasay sa iisang bahay, magkasama, masaya. They're my everything."

Taking Kim Taehyung's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon