Nahanap Din Kita

55 6 2
                                    

Nahanap din kita.

Makalipas ang siyam na taong wala ka

Ngayon ika'y natagpuan na.

Hindi mo alam kung gaano ako kasaya.

Kaya pala para saki'y may kulang pa,

Kulang dahil wala ka.

Mahirap bang sabihing ika'y lilisan na?

Hindi rin naman umasang babalik ka pa.

Dahil tayo nga'y bata, pag ibig sa ati'y di pa mahalaga.

Hindi ko inaasahang ako'y iyong matatagpuan.

Sapagkat buong pangalan ko'y di mo matandaan.

Buong akala ko'y, iyo nang kinalimutan,

Kinalimutan dahil sa pagdaan ng panahon, alaala mo lang

Ang aking baon.

Umalis ka nang walang paalam,

Naiwan naman akong may agam agam.

Alam mo bang, ang batang puso ko sa iyo'y nagdamdam?

Nahanap din kita.

Ngunit malayo tayong dalawa.

Ilang milya ang ating distansya.

Distansya.

Sa distansya natin ako'y di nangangamba.

Ganoon nga ata talaga.

Kapag tayo'y panatag sa isa't isa.

"Mula nang matagpuan ka,

Araw araw pinipili kita."

Sambit mo sa akin na nagpakaba

Sa aking buong sistema.

Ngunit di mo kailangang mag alala, sinta.

Sapagkat laylaydek sika.

Iniirog din kita.

Pahina't PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon