Huwag Muna Ako

12 3 0
                                    

Huwag ako.
Huwag muna ako.

Huwag muna ako ang iyong iibigin sapagkat hindi ko masisiguradong maibabalik ko ang iyong nararamdaman.

Huwag sana ako ang iyong magustuhan sapagkat hindi pa ako buo,
hindi pa ako buo mula sa pagkakawasak sa nakaraan.

Huwag sana ako ang iyong maibigan.
Marami pa akong mga pagkukulang.
Hindi pa sapat ang panahong nagdaan para muli akong makabangon.

Nasa sitwasyon pa rin ako kung saan ang iyong pagmamahal ay hindi ko masusuklian.
Hayaan mo munang humilom ang sugat ng kahapon.

Huwag mo sanang sayangin ang oras sa paghihintay sa isang katulad kong maraming katanungan.
Huwag ang katulad kong pinagdududahan pa rin ang sarili.

Ayokong makasakit.
Ayokong umasa ka sa bagay na walang kasiguraduhan.
Hayaan mo muna akong makalaya sa mga bagay na hindi ko mabitawan.

Huwag mong mahalin ang taong hindi pa tapos magmahal ng iba.

Pahina't PiyesaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ