Kelan

15 3 0
                                    

Kelan?

Kelan ba ulit kita makikita?

Kelan ba ulit kita masisilayan?

Kelan ba ulit kita matititigan?

Ilang araw, buwan o taon ang aking bibilangin?

Upang ika'y aking muling masilayan?

Gaano na naman ba katagal ang aking hihintayin?

Upang ang aking panalangin ay dinggin.

Panalangin na sana'y muli kang makita.

At ang mga mata natin ay magtama.

Ang 'yong mga ngiti'y aking masilay

Upang mundo ko naman ay madagdagan ng kulay.

Kahit sandaling segundo lang ang ibigay.

Labis na saya ay aking taglay.

Hindi alintana ang malayong paglalakbay,

Kung ito naman ay magpapaligaya sa akin ng tunay.

Kelan ba kita muling makakasama?

Sa pagsasanay ng mga awitin,

Sa mga aktibidad at gawain

Maging sa pagtupad ng ating tungkulin?

Hanggang kelan ba ako maghihintay?

Hanggang saan ang kaya kong ialay,

Ano ba ang iyong ginawa,

At ganito ang naging epekto mo sa aking buhay.

Pahina't PiyesaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora