Ikaapat na Bukas na Liham

15 3 0
                                    

"Isang buwan at mahigit mula ng ating huling usap.

Kampante ako dahil malinaw naman ang lahat sa akin.

Habang tinatahak mo ang daan tungo sa'yong pangarap,

Ginugugol ko naman ang aking oras para sa hinaharap.

Ika-dalawapu't isa ng Nobyembre taong kasalukuyan.

May isang binibini ang aksidenteng na-"like" ang isang litrato ko.

Dahil sa kuryosidad, agad kong tiningnan kung sino sya sapagkat pangalan nya'y hindi pamilyar sakin.

Nakita kong kakilala mo sya.

Nagtaka.

Nagulat.

Kung bakit ako'y kaniyang kilala.

Ipinagpatuloy ko ang pagkilala sa kanya,

Tiningnan maging ang ibang sosyal medya nya.

Natuwa dahil tulad ko'y hilig rin nya ang sumulat at gumawa ng tula.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko,

nang mabasa ko ang isa nyang akda.

Ito'y tungkol sa ating dalawa, kasama ang nasasaktang siya.

Hindi ko maipagkakailang gusto ka nya.

Sa mga tulang kanyang ginagawa,

Ikaw ang kanyang paksa.

Nasaktan lamang ako, sa isang nabasa ko.

Ang bawat salitang nabasa ko, ay minsan mo na ring nasambit sakin.

Napaisip.

Naguluhan.

Nagkaroon ng ideya sa isipan.

Na maaaring sa kanya'y mayroon ka ng nararamdaman.

Hindi ko mapigilang mag isip,

"Sa ganda nyang iyon, anong panama ko don?"

Kinain ako ng insekyuridad.

Dahil kahit anong gawin ko, alam kong mas lamang sya.

Walang wala ako, kumpara sa kaniya.

Naghihinala ngunit walang magagawa.

Dahil nauunawaan ko kung bakit sa kanya, ang damdamin mo'y nahulog.

"Giliw"

Dati'y natutuwa sa tuwing iyan ang tinatawag mo sakin.

Ngayon, di mapigilang magdamdam dahil iba na ang tinutukoy mo sa tuwing iyan ay babanggitin mo.

Ilang araw akong binagabag.

Hanggang ngayo'y naghahanap ng kasagutan,

Sa mga tanong kong walang patutunguhan.

Isipan ko ma'y inyong ginagambala,

Ngunit sayo pa rin ako'y nagtitiwala.

Anuman ang mangyari, alalahanin mong ika'y malaya.

Malayang maramdaman ang kahit ano,

Malayang magustuhan ang kahit sino.

Tandaan mo,

Kaligayahan at kapayapaan mo ang siyang laging hangad ko."

Pahina't PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon