Tumingin sa kalangitan, ano ang nasa isipan?
Nais ko sanang malaman, ano ang nararamdaman.
Wag mo sanang kalimutan, ang ating pagmamahalan,
Nakaukit sa isipan, pangako na walang hanggan.
Masaya tayong nagsama, sa hirap nga at ginhawa
Pangako nating dalawa, itoy pang habang-buhay na.
Pero bakit may nag iba, di ka na nakikilala
Bakit nawalan ng gana, sa akin bay nagsawa na.
Ano nga ba ang nagawa, hindi ba maitatama
Wala na nga bang pag-asa, para sa ating dalawa
Ito man ay masakit na, ikay palalayain na.
Sana ay maging masaya, sa aking ginawang pasya.
Tayo man ay naghiwalay, ako sayoy aalalay
Kanta sayong inialay, dala ko panghabang buhay
Malalambot mong mga kamay, boses mo na malumanay
Ako pa riy maghihintay, na muling magkakasabay.