Pag-usad

21 4 0
                                    


Papalubog na ang araw at gaya nito, papalubog na rin ang puso ko.
Kahit malayo na ang itinakbo, hindi pa rin matukoy ang aking pupuntahan.
Lingon sa kaliwa, lingon sa kanan baka sakaling matukyan ang daang lalakaran.
Mahigpit ang kapit sa dibdib na namimilipit animo'y hindi makayanan ang sakit.

Pigil luha akong napaluhod nang sa wakas ay akin ng natagpuan ang aking patutunguhan.
Nasa akin na ngang harapan ang malawak na karagatan.
Nag aagaw ang kulay dilaw at kahel na kalangitan, maging ang kadiliman.
Ngunit ang hindi ko makakaligtaan ay ang araw na mistulang nagpapaalam.

Hindi ko mawari ang bigat sa aking dibdib ng tuluyan ng lumubog ang araw.
Ang pagtangis at paghikbi, alinsabay ang rumaragasang alon na gaya ng mga alaala ng kahapon.
Sa pagsilip ng buwan sa kalangitan, ipinapangako ko na ako'y muling makakaahon.
Baon ang bagong pag asa ay agad akong tumalikod at lumakad papalayo at hinding hindi na lilingon.

Pahina't PiyesaWhere stories live. Discover now