Estranghero

0 1 0
                                    

Estranghero,
Ikaw ay dumating sa hindi ko inaasahan na pagkakataon,
Pagkakataon na sa problema ako’y hindi makaahon.
Hindi inaasahan ang pagbibigay mo sa akin ng atensyon.
Ikaw ang pag-asa na sa puso ko ay bumangon.

Ira, ikaw na isa sa mandirigma ni David.
Mapagmatyag kung hihingian ng kahulugan ang iyong ngalan.
Tunay na napakaganda kung ito’y papakinggan.
Salamat at pinagtagpo tayo kaibigan,
Lalong higit sa oras na ako’y nangangailangan.

Ikaw ang naging kanlungan nung mga panahong ako’y walang mapagsabihan.
Kaya ko naman, kaya ko kahit wala ang tulong ng iba.
Ngunit hindi mo ako hinayaang mag-isa.
Nakinig ka sa bawat hikbi ko,
Pinakinggan ang saloobin ko,
Hinayaan mo akong maging mahina nang walang halong panghuhusga.

O estranghero,
Mula sa malayo ay maaasahan at masasandalan ko.
Gaya ng inaasahan ko, maliit ang mundo.
Hindi malayong landas natin ay magtagpo.
Hayaan mo,
Sa oras na magkita tayo, personal na akong magpapakilala sayo.
Sa ngayon hayaan na muna nating maglakbay ang panahon.
Kaibigan, oras din sa atin ay aayon.

Pahina't PiyesaWhere stories live. Discover now