Tuwing akoy nag iisa, ikaw ay naaalala
Mga masasayang memorya, ay akin pang nadarama
Sa pagpatak ng mga luha, labis akong nagluluksa
Tumingin sa aking mata, sakit ang dulot mo sinta.
Nang ikaw nga ay lumisan, akoy labis na nasaktan
Ngiti mo ay aking tangan, di ko kayang kalimutan
Hindi maatim na tingnan, ang paalis na sasakyan
Hindi ko nagugustuhan, ang ginawa mong paglisan.
Ano nga bang dapat gawin, di kita kayang limutin
Kahit sa iba tumingin, ikaw lang ang pipiliin
Kay hirap namang sabihin, ikay aking panalangin
Sa mga talay hihilingin, sana ikay maging akin.
Malayo man ating agwat, puso namay di maawat
Kaya kong gawin ang lahat, tawirin ko man ang dagat
Hindi mo nga nasasalat, ang puso ko namay sugat
Pero hindi pa ba sapat? Pag-ibig ko sayong tapat
Ang iyong matang marikit, labis akong naaakit
At sa tuwing umaawit, para akong nasa langit
Bakit ba napakasakit? Tadhanay napakalupit
Hihiling na lang sa langit, sana muling magkalapit
10/08/19
![](https://img.wattpad.com/cover/323369274-288-k204567.jpg)