Ilang tula na ang nagawa?
Isinulat ng may luha.
Basahin mo ang kataga
Mula sa puso ang gawa.
Sa dami na ng nasulat
Kaya bang basahin lahat?
Ito kaya'y maging sapat
Upang pag ibig ay masalat?
Tulang di matapos tapos
Tulang dimaubos ubos
Luha ko man ay bumuhos
Maramdaman lang ng lubos.
Pamamagitan ng tula
Nakasulat ng may tugma
Mga tinatagong salita
Tinatago dahil sa hiya.
![](https://img.wattpad.com/cover/323369274-288-k204567.jpg)