Pagsisisi

1 1 0
                                    

Hindi ko pinagsisisihan ang pagtagpo ng ating landas,
Hindi ko pinagsisisihan na nakilala kita.
Hindi ako magsisisi na dumating ka sa buhay ko.
Hindi ako magsisisi na nagkaroon ng pagkakataon sa buhay ko kung saan naging parte ka.

“Hindi ba’t sya naman ang pinakamasakit na nangyari sayo?”

Isa lamang sya sa pinakamasakit na nangyari sa akin.
Ngunit sya naman ang nagbigay ng pinaka panatag at pinakamapayang pagmamahal sa akin.
Siya ang dahilan kung bakit naniniwala ako na kahit gaano kasama sa akin ang mundo,
may tao pa ring tatanggap at maniniwala sa akin,
na may tahanan pa rin na kaya akong bigyan ng kalinga at pagmamahal.
Siya ang naging tahanan ko sa magulong mundo.

“Hindi ba’t wala ka na sa kanya? Bakit hindi mo pa sya alisin sa buhay mo?”

Ayokong alisin sya sa buhay ko dahil isa siya sa pinakamagandang nangyari at isa siya sa may pinakamalaking bahagi ng kung sino ako ngayon at kung ano ang pagkatao ang meron ako.
Na kahit sinaktan at iniwan nya ako, binigyan naman nya ako ng isang aral na kahit kailan ay hindi ko malilimutan.

Na ang pag-ibig ay hindi dapat makasarili.

Pahina't PiyesaWhere stories live. Discover now