Ang ngiti sa iyong mukha, Ay isa palang maskara
Na sa tuwing tumatawa, Hindi makita na may iba
O kayhirap naman pala, Kapag ikaw ay kasama
Akala mo masaya, Sakit pala ay nadarama
Ang iyong nararamdaman, Ay hindi ko nga malaman
Ikaw ba nasasaktan, Hindi kaya'y nagugulohan
Ako nga ay nasasaktan, At akoy nahihirapan
Pero ikaw ang dahilan, Ba't ako'y nasisiyahan
Wag mo na sanang hayaan, lamunin ng kalungkutan.
Hindi naman kailangan, na sarili'y pahirapan
Isipin mo ng lubusan, lahat ay may kahinaan
Labis ka mang nasasaktan, pag iyak ay di matahan
Gawin mo akong sandalan, sasamahan kang lumaban.
Maskara mo ay tanggalin, ilibot mo ang paningin
Tumingin sa mga bituin, at tayo'y may hihilingin
Sana puso'y pagalingin, pakiramdam ay pagaanin
Saba'y nating haharapin, ang mga pagsubok sa atin.
![](https://img.wattpad.com/cover/323369274-288-k204567.jpg)