Ikalawang Bukas na Liham

15 4 0
                                    

"Huwag.

'Wag mo 'kong hintayin.

Binabawi ko na yung sinabi kong,

hintayin mo ako.

Hahayaan kita.

Magpatuloy ka.

Maging malaya kang gawin ang mga bagay na nais mo,

na hindi ka nangangamba na may naiwan o nasaktan ka.

Sapagkat ang totoo, nahanap mo ako.

Nakauwi rin ako.

Huwag mo akong isipin.

Huwag mo akong alalahanin.

Napagtanto kong nagiging madamot ako,

dahil lang gusto kitang hintayin kaya pinaghintay rin kita.

Pero mali ako.

Mas pinapahirapan lang kita.

Naiintindihan kita, nauunawaan ko.

Masayang masaya ako para sayo.

Sobrang ipinagmamalaki kita.

Hinahangaan kita.

Hinahangad ko ang pinakamabuti para sayo.

Nawa'y magtagumpay ka.

Gawin mo ang lahat ng makakaya mo.

Kung pakiramdam mo'y gusto mong may makausap,

Alalahanin mo sana ang pangalan ko.

Anumang oras ako'y masasandalan mo.

Sakin ka humimlay at magpahinga.

Hindi mo na kailangang mangamba,

Sa taong minsan mo na 'ring naging tahanan.

Mag iingat kang palagi.

Sa ngayo'y ipagpapanata ko na lamang sa Kanya,

Ang makakabuti para sa ating dalawa.

Laylaydek sika.

Iniibig kita.

Palagi."

Pahina't PiyesaWhere stories live. Discover now